Bukod sa nagkasama na sina Gerald at Xian sa ilang teleserye ng ABS-CBN, malimit rin silang magkasama sa tuwing magkakayayaang mag-basketball ang team nila sa Star Magic. “Sa basketball games nagkikita kami, tulad noong nag-set sila ng basketball for charity late last year. I think this week magkakaroon kami ng basketball game, so I’m super excited.” Pero sa mga pagkakataong yun ay hindi raw nila napag-uusapan si Kim. “Hindi, wala namang ganon,” giit pa ni Xian.
Ikinatuwa rin ni Xian ang balita na ilang beses nang nag-trending ang love team nila ni Kim sa Twitter. “Malaki pasasalamat ko sa mga nanonood kasi kapag nagtre-trend, ibig sabihin tutok talaga sila sa show, naapektuhan sila at nakaka-relate sila sa story. I feel happy na tanggap na tanggap kami ng tao at nandiyan sila para sa amin palagi. Even nung nag-mall show kami sa SM Skydome recently, ang daming supporters. For them to buy tickets and stay in line for almost the whole day, nakakataba ng puso.”
Aminado si Xian na marami ang gustong totohanan nila ni Kim ang pagiging magkarelasyon kahit off cam. Ngunit ang tanging masasabi lang daw niya sa ngayon ay inspirado siyang magtrabaho kasama si Kim. “Mas masaya na ako for sure. I guess I would say I am inspired. I’m always happy to go to taping because of what’s happening. Talagang happy ako sa lahat.”
Dagdag pa niya, mas lumalim daw ang pagkakaibigan nila ni Kim dahil sa soap. “Nung nagsisimula pa yung My Binondo Girl, nandiyan pa yung nagkakailangan, parang hindi pa kami nag-uusap. But now, I can say na kumportable ako around her.”
Tinanong din ng Push kung kailan niya planong bumisita sa bahay ni Kim dahil total ay payag naman ito. “Kung welcome naman ako why not? Thank you Kim na welcome ako. Happy naman ako. [Pero] kasi siyempre sa My Binondo Girl sobrang busy [kaya hindi pa ako nakakabisita sa kanila]. Sana, kung meron akong free time.” Wala naman problema kung bumisita si Xian dahil single naman daw siya ngayon.