• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang earns rave reviews for her acting in 'A Mother's Story'

Pokwang earns rave reviews for her acting in 'A Mother's Story'

Comedienne Pokwang proves she can take on a dramatic role with her performance in 'A Mother's Story.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/12/2012 9:36 AM
Pokwang earns rave reviews for her acting in 'A Mother's Story'


011212-pokwang_main.jpgGinanap noong Linggo, January 8, 2012, ang premiere night ng pelikula ni Pokwang na A Mother’s Story. Star-studded ang event na dinaluhan ng iba’t-ibang bituin tulad nina Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo, Marianne Rivera, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Xian Lim, Toni Gonzaga, Gerald Anderson, John Lapus, Direk Joyce Bernal, Pooh, at Chokoleit Nandun din ang mga kasama ni Pokwang sa Happy Yipee Yehey na sina Melai Cantiveros, Matteo Guidicelli at John Prats na ka-date ang napapabalitang girlfriend na si Bianca Manalo.

Puno ng pasasalamat at tuwa si Pokwang sa mga kaibigang dumalo sa premiere night na tinaguriang launching movie niya bilang isang dramatic actress. “Nakahinga na po ako ng maluwag. Thank you, thank you so much. Sa lahat po ng nagtiwala sa pelikula, sa mga sumuporta, sa mga kaibigan natin at kamag-anak, mga kapatid natin sa industriya maraming-maraming salamat. Sa mga artista na sumuporta sa pelikula, alam po namin na hindi po biro yung mga schedule ninyo pero thank you, thank, thank you so much. Tuwang-tuwa po ang bumubuo ng A Mother’s Story sa suporta na binibigay niyo.

Nang kunin ang reaksiyon ng mga nanood nung premiere night, isa lang ang sinasabi ng lahat ng mga sumuporta sa pelikula: na aside sa pagiging comedienne, isa na ngang ganap na dramatic actress si Pokwang. Nang kunin ng Push.com.ph ang reaksiyon ng actress tungkol dito, aniya, “Nagkataon na ang pelikulang ito, [drama] ang hinihingi sa akin bilang isang artista. Siyempre hangga’t maari ayaw ko mawala sa field na nagpapasaya, nagpapatawa pero siyempre napakalaking challenge ang naggawa ko na mapaiyak sila.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu na pinagtatapat ang mga komedyante’t aktres na sina Pokwang, Eugene Domingo, at Ai-Ai de las Alas. Sa pagdalo nina Ai-Ai at Eugene Domingo, pinabulaanan nila ang balitang ito. At ayon sa kanila wala naman talagang isyung ganun at ang pagdalo nila sa premiere night ang simbolo ng kanilang full-support sa komedyana at paniniwala sa galing nito. “Wala pong hangarin ang mga artista dito sa industriya kung di magbigay lamang ng saya, nakita niyo naman ang pagkakaisa. Ako hindi ko rin po inexpect na ganito kalaki ang pupunta. Isang katibayan po ito na kaming mga artista ay may pagkakaisa para sa ikagaganda ng industriya,” sagot ni Pokwang.

Dagdag pa ni Pokwang tungkol kina Uge at Ai-Ai, “Saludo ako, thank you po. Salamat po ng bonggang-bongga thank you talaga. Kaya nakita mo napaka-blessed nila kasi nandun sila para sumuporta din naman sa mga kagaya ko na nagsisimula pa lang.”

Ang lahat na dumalo ay inimbita ni Pokwang personally, pati na si Marianne Rivera na hindi alam ng lahat na matalik na kaibigan ng aktres na nagsimula sa pelikulang Super Inday and the Golden Bibe.

Sa lahat ng mga nakapanood ng pelikula, pati na si Kris Aquino na inamin sa kanyang show na Kris TV, pang-Best Actress ang pagganap ni Pokwang sa pelikula. At nang papiliin ng Push kung ano ang mas hangad niya sa pelikula niya kung Best Actress award o Box-office hit, ang sagot ni Pokwang, “Pwedeng both? (laughs). Bahala na si God kung ano ang ibibigay niya sa akin. Alam naman ni God kung ano yung deserve para sa akin e.”

Catch A Mother’s Story starring Pokwang, Rayver Cruz, and Xyriel Manabat now showing in theaters nationwide.