• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto talks about Coco Martin's team-up with Julia Montes

Angeline Quinto talks about Coco Martin's team-up with Julia Montes

Angeline Quinto says she isn't jealous about co-star Coco Martin being paired with Julia Montes.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/11/2012 9:41 AM
Angeline Quinto talks about Coco Martin's team-up with Julia Montes


011112-angeline_main.jpgNgayon po, hindi naman po ako nagagalit sa kanya at hindi naman po ako nagtatampo kay Coco kasi bago pa man po yan mag-umpisa sabi ko naman po sa kanya naiintindihan ko naman po yun. Trabaho yan,” ang nasabi ni Angeline Quinto nang matanong kung ano ang nararamdaman niya sa bagong team-up ni Julia Montes at Coco Martin sa bago nilang serye.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na very open si Angeline sa paghanga sa kanyang leading man sa pelikulang You Light Up My Life. At ngayon ngang natigil ng pansamantala ang shooting ng kanilang pelikula para sa paghahanda ng seryeng Walang Hanggan na pinagbibidahan ni Coco, masaya pa rin naman si Angeline dahil parte din siya ng serye bilang isa sa mga kumanta ng theme songs nito.

Natanong din sa dalaga kung may selos ba siyang nararamdaman na may ibang kaparehas si Coco at kung ano ang masasabi niya sa mga fans na nagre-react sa bagong team-up nila Coco at Julia. “Nalulungkot lang ako kasi may mga fans na ganun nag-aaway-away pa rin pero ako po kasi pag hinahangaan ko ang isang tao hindi naman po ako basta-basta nagseselos. Iniintindi ko naman yung dapat pagselosan o hindi naman po ako ganun kasi ako lalo na pag masaya siya sa ginagawa niya masaya na rin po ako para sa kanya at alam ko po na mahal ni Coco ang pag-arte.”

Inamin naman din ni Angeline na napag-usapan nila ni Coco ang bagong team-up nila ni Julia at nakwento nga ng dalaga “Last year nung nag-shooting pa po kami inaasar ko pa nga siya na, ‘Uyyy, Julia’ tapos tumatawa-tawa lang po siya. Tapos ako inaasar niya ako kay Sam (Milby). Parang kaming tanga, hahahaha! Ginagawa lang naman naming biro lahat yun.”

Hindi na nga maitatago ang nabuong closeness ng dalawa dahil sa pelikula at inamin din naman ni Angeline na nasa stage na sila ni Coco na kumportable na silang nakakapagkwento ng mga personal na bagay. “Alam ko na may tiwala siya sa akin at ganun din po ako sa kanya.”

Wala din masabi si Angeline kung di puri sa kanyang co-star. “Si Coco naman wala akong masasabi sa taong yan e. Napakabait po niyan kahit hindi sa harap ng camera. Kahit na di kami nagtatake, sobrang natutuwa ako sa kanya.

Pero inamin ni Angeline na halos wala na silang communication ni Coco dahil sa sobrang busy ng bawat isa. “Wala masyado kasi alam ko po na sobrang busy si Coco sa teleserye niya ako naman po sa mga shows din kaya ‘di po nagtutugma yung mga schedules.”

Pero sinigurado ni Angeline na walang magbabago sa kung anumang closeness ang nabuo sa kanila kahit gaano ka-busy ang mga schedules nila. At nang tanungin ng Entertainment Live Online ang reaksiyon ni Angeline sa sinabi ni Coco na mamimiss niya ang dalaga ‘pag natapos na ang shooting ng kanilang pelikula, inamin niyang mamimiss niya din ang aktor.

Catch You Light Up My Life starring Coco Martin and Angeline Quinto opening this summer.