Xian Lim wants to work on becoming a better actor this year

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/10/2012 10:16 AM
Xian Lim wants to work on becoming a better actor this year


011012-xian_main.jpg2011 has been very overwhelming for Xian Lim and he hopes that his flourishing career will continue this 2012.

Kung susumahin, na-overwhelm daw si Xian Lim sa mga pangyayari noong 2011. Naging popular ang aktor dahil sa My Binondo Girl at nag-click ang tandem nila ni Kim Chiu. “When My Binondo Girl started, when I met Matteo (Guidicelli), Jolo (Revilla), parang everything changed and sobrang saya and I’ve been working with them for eight months [and] now with Matteo and Maja (Salvador) sa movie pa (My Cactus Heart). Overwhelming. ‘Yun lang ang naiisip kong word ngayon, eh. ‘Yung buong 2011 and sana ma-sustain [this 2012]. Gradually increasing pa, I’m looking forward to that,” paliwanag ni Xian.

Hindi rin malayong mangyari ang pangarap ni Xian na kakapirma lang ng kontrata with Star Cinema for a three-film two-year contract. Ang goal naman ngayon ng aktor, “I want to be a better actor, I want to keep working on that. I want to make people happy. Sana matanggap pa nila lahat ng ginagawa ko, sa support na ibinibigay nila now… Maraming salamat po sa support, hopefully this 2012 sana mas mapasaya ko pa sila, mas matanggap pa po nila ako, mas makilala pa nila ako ‘di ba?” Gusto raw niya na lalo siyang mahalin ng mga tao at tanggapin siya, including his weaknesses and strengths.

Naging successful man, My Binondo Girl is now down to its last two weeks at nararamdaman na raw ni Xian na nalalapit na ang pagtatapos. “Nababanggit namin ‘yan. Sabi ko, two weeks na lang, ganun kaiksi na lang ‘yung taping days. Malapit na kaming matapos and parang seeing them more than eight months every single day, we got used to each other. ‘Di ba parang ‘yung bonding time, the way you guys see each other, who you see every morning, mawawala ‘yon, so nakaka-sad, pero at least we had time na makilala ang isa’t-isa.

Umaasa rin ni Xian na pagkatapos ng My Binondo Girl ay makatrabaho pa niya si Kim na mukhang magkakatotoo naman dahil kabilang umano sa tatlong pelikula na gagawin niya under Star Cinema ay ang isang film na pagsasamahan nila ng aktres.

Nanawagan naman si Xian sa mga viewers ng My Binondo Girl na huwag bumitaw dahil marami pa silang aabangan. “Ang laging kong sinasabi ‘yung maraming twists and turns. Siyempre papatapos na but huwag silang mag-le-let go, marami pang pupuntahan ang storya.”

Lubos naman ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang teleserye mula simula hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos.