More 2012 predictions for kapamilya stars

Soothsayer Stargazer gives her predictions for what 2012 holds for some celebrities.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/10/2012 10:20 AM
More 2012 predictions for kapamilya stars


011012-kimxian_main.jpgMarami pang prediksyon para sa kapamilya stars si Stargazer, isa sa mga pinagkakatiwalaan at sikat na psychic readers ng bansa. Ginagamit niya ang aura, energies at vibrations sa pagbibigay ng mga prediksiyon sa mga sikat nating mga artista, gumamit din siya ng numerology sa pamamagitan ng pag-alam ng birthday ng ating mga kapamilya stars at base nga dito ay ang ilan sa kanyang mga prediksyon sa kanila para sa taong 2012.

Isa nga sa mga breakthrough artist ng 2011 si Xian Lim (July 12, 1989). Ang team-up nila ni Kim Chiu sa My Binondo Girl ang pinakamainit na sinubaybayan ng mga fans at manonood. Sila na nga ang isa sa mga pinakaaabangang love team ngayong 2012 at ang prediksyon ni Stragazer para kay Xian sa taong ito, “He must focus on what he really wants, on what career path should he take.” Pero ang tiyak na ikatutuwa ng mga fans nila ni Kim ay ang hula kay Xian na, “romance is in the air.”

Maganda ang pasok ng 2012 para kay Kim Chiu (April 19, 1990), sa unos na napagdaanan niya, masasabing nakita ang pagbangon niya sa mga intriga at kontrobersiya ng nakaraang taon. At ngayon ngang 2012 ang magandang nakikita sa kanya, “Something exciting will come this 2012, new romance, more projects, endorsements, and travel.” Ito na kaya ang taon para maging totohanan na ang tambalang Kim at Xian?
 
Maituturing na taon din ito nina Enrique Gil at JM de Guzman. Unang nakilala si Enrique Gil bilang miyembro ng ASAP dance group na Gigger Boys, hanggang sa lumabas siya sa iba’t ibang mga ABS-CBN shows tulad ng Shoutout kung saan nakilala din siya bilang host at nang magsunod-sunod na ang kanyang mga bida roles sa Sunday series na Good Vibes at bilang Micheal sa remake ng Mula sa Puso. Hindi na nga maikakailang maganda ang takbo ng karera ni Enrique Gil (March 30, 1992). At para sa taong 2012 ang nakikita sa kanya ay, “Patience will pay off this year.”

Si JM de Guzman (September 9, 1988) ay nasimulang mapansin sa PHR Presents Midnight Phantom bilang si Mike Castillo, ang best friend ni Rafael Rosell sa teleserye, hanggang sa nagsunod-sunod na ang kanyang mga show, ang PHR Kristine at PHR Alyna na nagbigay daan para maging bida siya sa remake ng Mula sa Puso bilang si Gabriel na ginampanan noon ni Rico Yan. At ngayon siya ay si Angelito, Ang Batang Ama, ang pangalaang serye kung saan siya ang bida. At isang makahulugang prediksiyon ang nakikita sa kanya ngayong 2012, “His world will definitely change for the better.”

Naging maingay din ang hiwalayang Jake Cuenca at Melissa Ricks, hindi man nila inamin ang kanilang naging relasyon, naging malaking balita naman ang kanilang naging hiwalayan noong nakaraang taon at ngayon nga sa taong 2012, napakamahulugan ng nakikita ni Stargazer kay Melissa, “[She should] settle issues with a previous relationship to be able to start anew.” Para naman kay Jake Cuenca isang gabay naman ang nais na iparating ni Stargazer sa kanya, “His patience will be tested and he must learn to overcome his emotions.”

Naging makulay din ang karera at personal na buhay ni John Lloyd Cruz. Mula sa kanyang box-office movie na My Amnesia Girl, at ang kanyang teleseryeng Imortal hanggang sa hindi matapos-tapos na issue sa kanila ni Ruffa Gutierrez, ang relasyon nila ni Shaina Magdayao at kung anu-ano pang mga kaakibat na issue, si John Lloyd nga talaga ang maituturing na newsmaker ng taong 2011 at sa taong 2012, there is no stopping John Lloyd Cruz mula sa pelikula nila ni Angel Locsin na Unofficially Yours at possible teleserye, ang nakikita sa kanya ni Stargazer, “He will have a lot of projects but he must be careful though with his health.”

At para naman sa isa sa pinakamalaking bituin ng 2011, si Coco Martin, isang gabay ang gustong iparating ni Sta