• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales on his non-showbiz girlfriend: 'Simple lang siyang tao'

Jericho Rosales on his non-showbiz girlfriend: 'Simple lang siyang tao'

Jericho Rosales remains mum about his current half-Pinoy, half-British girlfriend.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/10/2012 10:22 AM
Jericho Rosales on his non-showbiz girlfriend: 'Simple lang siyang tao'


011012-echo_main.jpgNang nag-celebrate si Jericho Rosales ng kanyang 15th year anniversary sa show business through a concert sa kanyang kinalakihan lugar sa Marikina, nandun lahat ang malalapit niyang mga kaibigan, mga kapamilya sa loob at labas ng showbiz, mga katrabaho at mga kababayan niya sa Marikina. Kumpirmado ding pumunta at nanood ang kanyang half-Pinoy, half-British girlfriend na hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalahad ang totoong identity.

Maaalalang sa guesting niya sa Kris TV unang inilahad ng binata na mayroon na nga siyang girlfriend pero dito ay mailap na sumagot ang hunk sa iba pang mga detalye tungkol sa kanyang bagong karelasyon. Pero nang makausap siya pagkatapos ng kanyang successful concert at natanong kung kumpirmado ngang nanood ang kanyang bagong karelasyon, siya mismo ang nagsabi na nandun nga ang girlfriend niya para sumuporta. At nang tanungin kung kamusta ang puso niya ngayon, ang matipid na sagot ng binata, “Very good! Thank you.”

Nang nagpapa-kwento ang Push.com.ph kay Echo kung sino nga ba siya at kung ano ang ginagawa ng kanyang bagong girlfriend, tumanggi itong sumagot at sinabi na lamang na, “Simpleng tao lang yun, simple lang kami.

Kung matatandaan halos lahat ng mga naging karelasyon ni Jericho noon ay galing sa showbiz. From Kristine Hermosa and Cindy Kurleto to Heart Evangelista and Cesca Litton, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng non-showbiz girlfriend at nang matanong si Echo kung may maganda ba na ngayon ay non-showbiz ang karelasyon niya, ito ang sagot ng binata, “Hindi ko masasabi yan. Kung ano yung ibigay sa iyo ng tadhana make the most out of it, yun lang yun. Ilang beses man ako sumadsad, sabihin man nating nagkamali bangon ulit tapos enjoyin mo lang tapos bigay mo lang. Wala namang masama kung gusto mo ibigay yung todo e kasi dun mo masusukat na mahal mo talaga e.

Ayaw na rin maglahad ni Echo ng iba pang detalye tungkol sa kanyang bagong karelasyon na hanggang ngayon ay kilala pa rin bilang half-Pinoy, half-British pero nang tanungin kung masaya ba sila ngayon, ang nangingiting sabi ni Echo, “Masayang, masayang, masaya.”