• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on possible romance with Diether Ocampo: 'Hindi namin type ang isa't-isa'

Kris Aquino on possible romance with Diether Ocampo: 'Hindi namin type ang isa't-isa'

Kris Aquino explains that she and Diether Ocampo know each other so well that they would not want to be romantically involved.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/9/2011 8:45 AM
Kris Aquino on possible romance with Diether Ocampo: 'Hindi namin type ang isa't-isa'


090911-kris_main.jpgSinabi ni Kris Aquino na very supportive na kaibigan sa kanya si Diether Ocampo at inamin na by next year ay magkakasama uli sila sa isang teleserye. Ayon pa kay Kris, niyaya siya ng aktor na maging date niya sa nakaraang Star Magic Ball last Saturday, September 3, pero nagkataon kasi na nasa ibang bansa si Kris kaya hindi siya nakapunta. “He asked me but I was shooting and I was in Bangkok, kung nandito ako I would have gladly gone with him,” kuwento ni Kris.

Sa patuloy na panunukso sa dalawa, tinanong muli si Kris kung wala ba talagang posibilidad na maging totohanan ang pagkakaroon nila ng romantic relationship. “Hindi namin type ang isa’t-isa in that way,” mariing sagot ni Kris. “I will never like anybody that good-looking. Promise ayoko ng ganun kagwapo. ‘Wag ng lagyan ng stress ang buhay, there’s enough stress. Okay na kung friend ko siya and kung magkaroon siya ng 10 girlfriend, care ko! Ha ha ha!”

Muli pang tinukso si Kris na since good friends sila ni Diet, baka naman may posibilidad na ma-develop sila pero aniya, masyado nilang kilala ang isa’t-isa at alam nila na hindi raw sila made for each other. “Kasi we know each other so much. Marami na kaming masyadong pinagdaanan kasi minsan nga, may time kasi na parang pasundo na siya magsi-sine kami and antok na antok na ako and to think 8 o’clock pa lang. Sabi niya, ‘Ganun ka ba kaantok o ayaw mo lang akong makita?’ [Sagot ko] ‘Both, ha ha ha!’ Ganun ‘pag magkaibigan kayo pwede na ganun kadiretso talaga. Friends lang talaga kami. Magkaibigan kami talaga, ‘yun na ‘yon at huwag n’yo nang pilitin. We’re really friends, ‘yung pwede naming ibarubal ‘yung isa’t-isa.”

Samantala, hangga’t maaari ay ayaw namang magbigay ng maraming pahayag ni Kris pagdating sa kanyang ex-husband na si James Yap. Like in the past, ipinagtatanggol pa nga ng Queen of Talk si James sa pagsasabing dapat ay i-wish na lang ng maganda si James at hindi dapat iniintriga.

Pagpapatuloy pa niya, very civil naman daw sila sa isa’t-isa at hindi nagpapanggap na sila ay close. Aniya, hinahangaan niya ang basketball player dahil sinisikap daw talaga niyang magkaroon ng time para kina Baby James at Joshua.