• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: 'We don't have to confirm anything to anybody'

Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: 'We don't have to confirm anything to anybody'

Bea Alonzo says she's very happy with Zanjoe Marudo, but refuses to confirm if they are going steady.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/9/2011 8:44 AM
Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: 'We don't have to confirm anything to anybody'


090911-bea_main.jpgKitang-kita ang paghanga sa mga mata ni Bea Alonzo sa kanyang ka-date na si Zanjoe Marudo sa ginanap na Star Magic ball sa Manila Peninsula Hotel noong September 3. Ang lakas daw kasi ng dating ng hunk actor kapag nakasuot ng suit. “Ang gwapo! Minsan lang kasi [siya mag-formal attire]. Natutuwa nga ako kapag nakaganyan siya. I really think he's more attractive kapag naka-formal wear,” ani Bea sa panayam sa kanya ng ABS-CBN reporters noong gabing iyon.”

Hindi maitatanggi na mas lumalim ang pagtitinginan nila ngayong mas kilala na nila ang isa’t isa. Nang tanungin namin si Zanjoe kung handa na silang umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon, tila may nais sabihin ang aktor pero pinigilan ito ni Bea. “Tinatakot ako eh,” simpleng pahayag ng binata. “Basta noong nakita ko pa lang siya kanina, inilagay ko na sa sarili ko na ngayong gabi eh magsasaya kami.”

Kung pagbabasehan ang nakakakilig na pagtitig nila sa isa’t isa at ang masuyong pag-alalay ni Zanjoe kay Bea buong gabi, masasabing naghihintay na lang ng perfect timing ang dalawa bago nila ibahagi sa publiko kung ano mang mayroon sila ngayon. Basta ang mahalaga ay masaya raw silang dalawa. “Walang importante sa akin kundi kung ano meron kami at masaya kami. We don’t have to confirm anything to anybody,” dagdag pa ni Bea.