Pokwang breaks down as she talks about 'A Mother's Story'

Pokwang says the story of her launching movie 'A Mother's Story' is very much similar to her real-life experience.

BY NAPOLEON QUINTOS

FRESH SCOOPS

9/6/2011 8:22 AM
Pokwang breaks down as she talks about 'A Mother's Story'


090611-pokwang_main.jpgPokwang expressed her overflowing gratitude for being given a launching movie, A Mother’s Story, scheduled for release on October 12. She told reporters during the photo shoot for the film, “Mataas pa sa bubong ng ABS-CBN building ang kasiyahan ko. Finally ay nabigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng launching movie. Maraming salamat sa Star Cinema at sa TFC. Totoo nga ang kasabihan na maghintay lang dahil may nakalaang bonggang-bongga para sa iyo.”

But the difference in this movie is that the comedienne will deliver a dramatic performance. Pokwang will play an illegal immigrant desperately working to provide for her children. “Ako rito si Medi, isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Nag-TNT (tago nang tago) siya sa Amerika para maghanap ng trabaho. Dahil iligal nga ang stay ko, hindi ako makalaban sa mga amo kong umaapi sa akin nang bonggang-bongga. Pero tiniis ko lahat ‘yun.”

Pokwang shared that her character is very much similar to her real life experience before she entered showbiz. Prior to being a stand-up comic, she worked as an entertainer in Japan and in Abu Dhabi. “Sobrang laki ng naitulong nung karanasan ko bilang OFW noon para sa character ko rito sa movie. Alam ko na kung ano ang pakiramdam ng isang ina na malayo sa anak dahil nagtatrabaho abroad. Kaya kami ni Direk John D Lazatin, titigan na lang ang motivation niya sa akin kasi nga sasabihin lang niya, ‘Alam mo na!’ Alam niyang hindi nalalayo si Marietta Subong (her real name) kay Medi.”

She confessed that there were times on the set that she would feel very much affected even before the take. “Kaya ibinuhos ko na lahat ng kaya ko. Ayaw daw niya na umarte ako na parang artista. Gusto kong ipakita mo sa tao ‘yung sakit na naramdaman mo nung nag-OFW ka at nalayo ka sa anak mo, na wala ako sa tabi niya habang may sakit siya hanggang sa kunin na siya ni Lord. Ang laki nang naitulong nung experience ko.” Pokwang then started to cry while doing the interview as she remembered her six-year-old son who passed away while she was working in Abu Dhabi.

After having gone through those painful experiences, Pokwang related how very thankful she is now being blessed with a successful showbiz career. “Ngayon natutunan ko na ‘yung mga nangyayari sa buhay natin na masasakit, balang araw may matututunan tayong aral dun. Hindi na siguro mawawala ‘yung sakit, pero ginagamit ko na lang na tuntungan para maabot ko pa ‘yung iba ko pang mga pangarap. Ito na siguro ‘yung kapalit ng lahat ng sakit na naranasan ko sa buhay. May sunrise rin pala.

Playing her children in the movie are Rayver Cruz and Xyriel Manabat. “Anak ko dito sina Rayver at Xyriel. Nung maliit pa si Rayver ang gaganap sa kanya si Aaron Junatas. Hindi naman talaga sila magrerebelde. Sa movie kasi ni Ate Vi (Vilma Santos) na Anak, si Claudine (Barretto) doon talagang nagrebelde. Sina Rayver at Xyriel, dahil nga matagal akong nawala, lalayo ang loob nila sa akin.