• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann on Albie Casiño: 'I'd obviously love for him to be around eventually'

Andi Eigenmann on Albie Casiño: 'I'd obviously love for him to be around eventually'

The actress name Albie as the father of her child in her recent blog entry.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/5/2011 6:20 PM
Andi Eigenmann on Albie Casiño: 'I'd obviously love for him to be around eventually'


090511-andi_main.jpgIsang madamdaming entry ang isinulat ni Andi Eigenmann sa kanyang blog noong September 4, Sunday. Dito inilahad ni Andi ang kanyang pangarap na magkaroon ng magarbong kasal at maging nanay sa edad na 29-anyos, ang kanyang saloobin sa maagang pagbubuntis, at pagkakaroon ng pag-asa sa kabila ng ‘di inaasahang pangyayaring ito at pag-asang sana ay tulungan siya ng ama ng kanyang dinadala kapag isinilang na niya ito, si Albie Casiño.

Sinabi ni Andi na kahit na hindi man nangyayari ang lahat ng ating hinahangad sa buhay, ang mga bagay naman ay magiging maayos sa huli. “The key I guess, is to not expect things way too much. This will only lead to our hearts being bruised and then scarred. I've had my fair share of heartbreak and pain, and I must admit, they didn't go so well at all,” pag-amin ng aktres.

Pagdidiin niya, hindi siya isang masamang babae at sa anumang ginagawa niya, sinisikap niyang maging mabuting tao. At hindi niya pinagsisisihan kung bigla siyang nabuntis sa kasagsagan ng kanyang career. “I never intend to come off as a bad person, in any way whatsoever. And so this state I'm in is something I shouldn't and wouldn't be ashamed of.”

Sa halip na magalit, thankful pa raw si Andi kay Albie. “Maybe instead of feeling bad that Albie left me to take on this responsibility by myself, I should thank him for giving me the opportunity go out and find genuine happiness once again. I'd obviously love for him to be around eventually,” sabi ng aktres na idinagdag pa na, “You know, to save myself the struggle to find a good way to explain his absence to his child.” Gayunpaman, tanging maganda lamang ang hangad niya sa dating kasintahan. “At the same time, I'd understand. Cus after all, I have no idea who or what kind of a person all the fame and fortune has turned him into now. All I hope is that he's well.”

090511-andi1_main.jpgSa bandang huli, tinapos ni Andi ang kanyang article sa pagtatanong kung lahat ba ng pangarap niya, gaya ng pagkakaroon ng enggrandeng kasal, maraming acting awards gaya ng kanyang mga magulang at maging masaya ay makakamit pa niya. “What about my goal of having the next wedding of the century with lovely guests wearing the trendiest hats? What about grabbing even half as much acting awards as my mom and dad? What about that goal to set out and make a difference? What about that entire journey to genuine happiness through success? What about them all? The answer to that isn't even that there are better things planned out for me. Its-- I just need to wait patiently for the perfect time.

Pero binago ni Andi ang kanyang entry ngayon, September 5 at sinabing, “Purpose for this is merely for "fans" (really?), to stop reacting so violently. So again, "fans", this blog wasn't created for you to make a big deal out of.