• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor shares her happiest and saddest experiences in her stay in the US

Nora Aunor shares her happiest and saddest experiences in her stay in the US

Superstar Nora Aunor says she is happy that her rivalry with Gov. Vilma Santos is revived.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/4/2011 11:48 PM
Nora Aunor shares her happiest and saddest experiences in her stay in the US


090511-nora-main.jpgKahapon sa The Buzz ay ipinalabas ang exclusive interview ni Boy Abunda kay Nora Aunor at dito ay sinagot ng nag-iisang Superstar ang mga intrigang kinasasangkutan niya.

Unang ibinahagi ng actress-singer ang pinakamalungkot na karanasan niya sa Amerika kung saan siya nanatili sa loob ng walong taon. “Nagkaroon kami ng concert tour ‘yung producer ko bale iniwanan akong mag-isa at ‘yung inasahan kong kikitain ko at ‘yun ang inaasahan kong (gagastusin) pag-stay ko doon hindi ko nakuha, na hindi ko alam kung saan ako matutulog, hindi ko alam kung sino ang matatawagan ko, ” pagbabahagi ni Nora. Dagdag pa niya, dumating daw siya sa puntong walang-wala siya.  

Napakasimple naman ng kanyang sagot hinggil sa pinakamasaya niyang karanasan doon. “Masaya na ako na may mga kaibigan ako kahit konti pero tumutulong sa akin.” Sa loob daw ng panahong nasa US siya, malakas daw ang paninindigan niya na hindi umuwi pero kinukunsidera niya rin daw ito minsan kapag naiisip ang kanyang pamilya.  

Hindi rin matigil ang isyung pagli-link kay Ate Guy sa kaibigan nitong si John Rendez, na dati ring actor, pero idiniin niya na walang romantikong namamagitan sa kanila ng kaibigan. “Hindi ko na pinapansin ‘yon kasi ‘yun ang mga tao na hindi ko alam kung may galit lang sila. ‘Yung ibang tao na lalo na ang isang tao na gusto kong harapin talaga na ang sama-sama ng isinusulat, dun pa naman ako naka-exclusive contract, at dun pa naman ako magtatrabaho. Pero maghaharap kami n’yan masyado nang hindi mo makakayanan ang isinusulat niya lalo na kay John. At si John sinasabi ko sa ‘yo at sa hindi ano pa mang bagay, ipagtatanggol ko ‘yan.

Nang tanungin siya ni Boy kung ano’ng isyu ang naisulat sa kanya na pinaka-unfair sa kanya, ang malamang sagot ng Superstar. “Marami. ‘Yung kantiin nila ang personal na buhay ko noon kagaya ng droga. Tapos na ‘yon. Nagkaroon na ng kaso tungkol don, hindi ko naman ikinakaila pa pero tapos na ‘yon.

Excited naman daw siya kung patuloy pa silang pagtapatin ng Star for All Seasons na si Batangas Gov. Vilma Santos dahil aniya, dahil sa pagbubuhay ng kanilang rivalry ay lalong sisigla ang industriya. Gayunpaman, sinabi niya na very willing siyang makatrabaho si Ate Vi.  “Bakit hindi po? Taos-puso ko pong tatanggapin. Totoo ‘yon.”