• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on Piolo Pascual: “Tinatanggap ko siya at iniintindi ko siya nang buong-buo. "

KC Concepcion on Piolo Pascual: “Tinatanggap ko siya at iniintindi ko siya nang buong-buo. "

The actress cries on The Buzz as she explains that everything is now okay and well with her and Piolo.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/4/2011 11:51 PM
KC Concepcion on Piolo Pascual: “Tinatanggap ko siya at iniintindi ko siya nang buong-buo.


090511-kc-main.jpgSa pagdalo nina Piolo Pascual at KC Concepcion sa Star Magic Ball nang magkasabay ay nabura na ang mga agam-agam sa kung nagkakalabuan na ba ang dalawa. Sa nasabing event nga ay ipinagmalaki pa ni KC ang kanyang dangling corals with emerald stone earrings na regalo sa kanya ng boyfriend.

Sa The Buzz kahapon ay naging emosyunal si KC sa pagpapaliwanag hinggil sa kalagayan ng relasyon nila ngayon ni Piolo. Una muna siyang nagpasalamat sa mga taga-suporta nila ni Piolo. “Sa sobrang paniniwala ninyo sa love,” wika ni KC. “Siguro normal lang na maraming pinagdadaanan  ang dalawang taong nasa isang relasyon and siguro sa mga hinaharap na mga problema or challenges sa isang relasyon, ang importante hindi talaga pinagtataguan o tinatakasan ang mga issues and talagang sana parehong harapin nung dalawang nasa relasyon kung anuman ‘yung maging problema.

“And dalawang magkaibang tao ‘yan na two separate people na pinagsama. Importante lang talaga siguro na magkaintindihan ‘yung dalawa. Sa lahat ng nagmamahal sa amin, salamat sa suporta ninyo, sa lahat ng mga tweets ninyo, sa lahat ng masaya kapag masaya kami at malungkot ‘pag malungkot kami,” ani KC.

Tinanong din ni Boy Abunda si KC kung masaya ba siya ngayon sa relasyon nila ng sikat na aktor. “Kagabi po nakapag-usap kami ulit at tinatanggap ko siya nang buong-buo at iniintindi ko siya nang buong-buo,” malamang sagot ng aktres. “Kasi importante na kapag nag-commit ka sa relasyon na hindi mo siya iiwan sa ere. Sinabi ko sa kanya ‘yon na nung prinomise ko sa ‘yo na kaya mo ito, naniniwala ako na kaya mo. Nandito ako para hawakan ‘yung kamay mo. At magiging patient and understanding ako hangga’t kaya ko.”  

Sa relasyon daw, mahalaga raw na pahalagahan mo ang mga bagay na mahalaga sa taong karelasyon. “Bigyan n’yo talaga ng importansya ‘yon kasi kayong dalawa lang ang nasa relasyon. At the end of the day kayo lang ang magkasama at nagiging priority siya. Once na nag-commit ka, hindi na pwede ang dati n’yong buhay.”