• Home
  • Fresh Scoops
  • Denise Laurel finally admits to leaving showbiz because of pregnancy

Denise Laurel finally admits to leaving showbiz because of pregnancy

The actress feels this is the right time to answer the questions why she suddenly disappeared in the middle of taping for 'Kristine.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/4/2011 11:50 PM
Denise Laurel finally admits to leaving showbiz because of pregnancy


090511-denise-main.jpgHumarap na sa The Buzz kahapon ang aktres na si Denise Laurel upang ilantad na ang katotohanan hinggil sa matagal na usap-usapang nabuntis siya kaya siya biglang nawala noong nakaraang taon sa teleseryeng Kristine Series. Inamin na rin finally ni Denise na isa na siya ngayong proud mommy sa kanyang baby boy.

 “The moment I found out, napaaga because I wanted to be pregnant at 27. Everybody knows how much I love babies. Lahat ng buntis kinakausap ko, how does it feel. I have always loved kids,” pahayag ni Denise kay Boy Abunda.

Nang malaman raw niyang buntis siya, ang una niyang naisip ay ang kanyang pamilya. “’Yun naman ang parati kong unang iniisip eh, my family. I come from a very strict family, very conservative and I’m already pushing the envelope (in) being an artista and choosing the roles that I choose, so I was thinking how they would react. Although I never ever, not even once, thought that this was a mistake because it’s a blessing,” paniniyak pa niya.

Una raw niyang pinagsabihan ang kanyang mga magulang. “They were very disappointed,” kuwento niya tungkol sa kanilang reaksyon. “I thought they would kick me out of the house, I thought they would be very angry (but) not once did they raise their voice. They’re very disappointed, they talked to me, they asked me if I loved the father and if I’m ready for this.”

Pero aniya, hindi siya pinabayaan ng kanyang pamilya. “Balik-baliktarin mo man ang mundo, ang pamilya mo nandyan para sa ‘yo. My family has always been there for me. Never-ending love. Not even thank you is enough. They love my son so much and I’m just thankful that I have people in my life like them because they have shown me how it is to love,” madamdamin niyang pahayag. Tiniyak din niya na alam ng kanyang mga magulang kung sino ang ama ng kanyang anak.

Wala rin daw panghihinayang ang aktres kung nangyari ang kanyang pagdadalan-tao sa kataasan ng kanyang showbiz career. “Ang tagal kong nasa industry. For 13 years everybody was telling me, bakit ang bagal bago ka sumikat, bakit ang tagal hindi ka pinapakanta, bakit ‘di ka mabigyan ng lead role. People were always asking and I would say the same thing, In God’s time. Now if God gave me a taste of what I want, I got a taste of it, I really worked hard and I love every part of it, so there’s nothing to be sad about. There’s no regret, what’s to say I can’t work again?”

Hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang balitang namalagi raw siya sa Amerika noong buntis siya pero inamin niyang nag-travel siya dahil gusto niyang maging masaya at maging positibo para sa ikabubuti ng kanyang dinadala.

Tumanggi naman si Denise na pangalanan ang ama ng kanyang anak. “He’s not an actor, he’s not a [showbiz] personality. In respect sa pamilya niya ‘di ko na lang sasabihin ang pangalan niya. We’re still together, he provides for his family, he’s a great father. We’re just working on things as they come along.” Limang beses na raw nag-propose ang lalaki sa kanya pero tila hindi pa sinasagot ito ni Denise.

Sinagot din ni Denise ang tanong kung bakit sa wakas ay nagdesisyon na siyang magsalita tungkol sa isyu. “Para masagot ko ‘yung mga tanong. I have to answers for myself, I want to do it na hindi magulo ang sitwasyon (and) face everybody openly, happy and show everyone how I feel to be completely honest.”

Sa ngayon ay masaya raw siya bilang ina at punung-puno ng pag-ibig. Inilarawan pa niya ang una niyang naramdaman nang una niyang mahawakan ang kanyang baby boy. “Very overwhelming when I held him in my arms. The world was still and everything was perfect.”