• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda on Derek Ramsay: 'Kahit na wala siyang malisya sa akin, ako meron talaga'

Vice Ganda on Derek Ramsay: 'Kahit na wala siyang malisya sa akin, ako meron talaga'

Vice Ganda talks about being paired with Derek Ramsay in 'Praybeyt Benjamin' and his supposed breakup with his boyfriend.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

10/1/2011 12:56 AM
Vice Ganda on Derek Ramsay: 'Kahit na wala siyang malisya sa akin, ako meron talaga'


100111-vice-main.jpgAs much as he fancies actor Derek Ramsay, Vice Ganda insisted that he didn’t take advantage of their daring scenes in the movie Praybeyt Benjamin. The fact that Derek has no reservations about it only made it harder for Vice to keep his hands to himself. “Walang kaarte-arte si Derek. Lalo na sa mga eksena namin na daring, ako ang nahihiya. Kahit na wala siyang malisya sa akin, ako meron talaga. Hirap na hirap ako umarte. Hindi ko maisip na, wala lang, trabaho lang. Kaya nung kinukunan namin yung shower scene, sabi ko pwede bang ’wag na lang gawin yun kasi nahihiya ako,” he related in between laughs during the grand press con of Praybeyt Benjamin last September 28.

Truth be told though, Vice said that he really had fun shooting his second solo movie because he became good friends with all of his co-stars including Kean Cipriano, Nikki Gil, and Carlos Agassi to name a few. “Physically, mahirap yung mga combat scenes namin. Pero as a whole, hindi ako nahirapan compared sa Petrang Kabayo. Kahit sobrang hirap ng trabaho, kahit umuulan na, hindi namin masyado napapansin kasi para kaming magbabarkada. Harutan lang kami ng harutan sa set. Siguro mararamdaman lang namin yung pagod paguwi ng bahay, pero during shooting days wala talaga.”

When told that Derek is one of the people who defended him on various intrigues, Vice said that he wouldn’t be surprised as they have forged a friendship offcam. “Masaya ako na nakikita at naririnig na ganon kasi napapatunayan ko sa sarili ko na merong magagandang katangian na nakikita sa akin. Kasi kadalasan puro pangit ang nasasabi tungkol sa akin. Samantalang yung mga nagsasabi nun hindi kami magkakakilala. So si Derek, may karapatan siyang ipagtanggol ako kasi siya ang nakakakilala sa akin.”

On a different note, Vice coyly answered queries about his non-showbiz boyfriend with whom he supposedly broke up few days before the Praybeyt Benjamin press con. As it is, there have been instances where he gets emotional on TV lately. “Hindi, naiyak lang talaga ako sa ‘Pasko Na Sinta Ko.’ May dyowa ka o wala nakakaiyak yung kantang yun. Ewan ko sa inyo! Bakit hindi niyo iginagalang opinyon ko,” he exclaimed when the local media kept prodding him about it.

Apparently, Vice wanted to keep his love life as low profile as possible, hence, his insistence to keep the guy’s identity a secret. “O sige, kaka-break lang namin, pero okay na ulit. Hindi siya basketball player, coaching staff na siya ngayon. Para malito kayo, iba-iba ang propesyon niya. Wala ng mystery kung alam niyo lahat tungkol sa akin. Magiging boring na ang buhay ko. Kahit saang bagay naman dapat may reservation tayo. Hindi lahat ishe-share. Mas masarap na may excitement na ilalagay sa katawan.”