Boy band Westlife reveal that they're Manny Pacquiao fans

Aside from Manny Pacquiao, Westlife say they also want to work with Charice.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/30/2011 8:50 AM
Boy band Westlife reveal that they're Manny Pacquiao fans


093011-westlife_main.jpgKahit pa sikat na sila sa international music scene, fans lang din ni Manny Pacquiao pagdating sa boxing ang popular Irish band na Westlife.

Sa press conference na ginanap nitong Huwebes ng hapon, inamin ng mga miembro ng sikat na banda na nais nilang makasama sa kantahan ang Pambansang Kamao.

I’m a big fan of Manny Pacquiao. We should have Manny... but unfortunately it’s not going to happen... He can’t get out of his training camp as of the moment, Freddie Roach won’t let him,” ayon sa Westlife member na si Nicky Byrne.

Maliban kay Manny, humahanga din ang banda sa international singing sensation na si Charice na gumawa na din ng sariling pangalan sa Estados Unidos mula sa kanyang kantang tulad ng "Note to God" at "Pyramid."

I was talking to her a little bit on Twitter and she said she’s also a Westlife fan. She has a phenomenal voice, world class,” pahayag ni Mark Feehily.

Ang Westlife ang banda sa likod ng mga sikat na kantang "I Swear It Again" at "If I Let You Go"  ay nagdaos ng concert sa Araneta Coliseum, Huwebes ng gabi.