• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda on his manager Ogie Diaz: 'Hindi kami masyadong okay'

Vice Ganda on his manager Ogie Diaz: 'Hindi kami masyadong okay'

Vice Ganda admits that he and his manager Diaz are having some problems related to work.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/29/2011 9:52 AM
Vice Ganda on his manager Ogie Diaz: 'Hindi kami masyadong okay'


092911-ogie_main.jpgSa press con proper ng pelikula niyang Praybeyt Benjamin noong September 28, diretsahang umamin si Vice Ganda na nagkakaproblema siya at ang manager niyang si Ogie Diaz. “Ay hindi po kami masyadong close ngayon. Honestly, ito nga yung problema ko, hindi ako masyadong marunong magsinungaling. Hindi ko kayang sabihin na, ‘Ay okay po kami ni Ogie ngayon.’ Hindi po kami masyado okay, pero hindi kami magkaaway.”

Ngunit hindi idinetalye ni Vice kung ano man ang ’di pagkakaunawaan nila ni Ogie dahil sila mismo ay wala pang pagkakataon para ayusin ito. “Masarap pagusapan, pero unfair para sa amin ni Ogie kung uunahin kong sagutin yung tanong ni’yo bago yung tanong namin sa isa’t isa. Siguro kailangan mag-usap muna kaming dalawa, bago ako magsabi sa inyo.”

Matapos ang press con ay nakapanayam muli ng Push.com.ph at ng ibang entertainment media si Vice. Sa pagkakataong ito, inamin ng sikat na host/comedian na may kinalaman sa trabaho ang kanilang problema ni Ogie. “Hindi kami masaya ngayon sa mga nangyayaring problema na may kinalaman sa trabaho, dun lang. Hiwalay yun sa personal. Katulad kanina magkasama kami sa dressing room. Nagkikita kami, nagtsitsikahan kami, pero ’di namin natatackle yung importanteng issues. Hiwalay ang oras namin bilang magbarkada at bilang manager-talent.”

Hindi kaya may mga tinatanggap siyang proyekto o raket nang hindi nalalaman ni Ogie? “Never akong tumanggap ng shows na di alam ni Ogie. Siya ang unang tumatanggap ng shows.” Dagdag pa niya, alam daw niyang maayos din ang gusot sa pagitan nila. “Lahat naman phase lang, alangan namang habang buhay malungkot, hindi naman ganon. At saka lagi rin kami nagkakasundo. Pero may mga bagay din kaming pinagtatalunan at ‘di pinagkakasunduan. This is just another phase.”

Bakit ba kasi hindi nila mapagusapan tutal ay nagkikita pa rin naman pala sila? “Nothing is stopping me from discussing the issue with him. Siyempre gusto kong mapag-usapan. Kaya lang, sa sobrang busy ko, wala pa kaming time na mapagusapan [yung ganong bagay]. Pero hindi ako maglalagay ng kung ano mang hindrance para maayos namin ito.

Makahulugan naman ang sinabi ni Vice na posibleng matuldukan ang relasyon nila ni Ogie bilang manager at talent. Ang tanging masisiguro lang daw niya ay mananatili silang magkaibigan kahit na anong mangyari. “Kaya kailangan namin mag-usap [bago mauwi dun]. Pero katulad ng sinasabi ko noon, hindi kami maghihiwalay ni Ogie. Malawak yung salitang maghihiwalay. Pwedeng matapos yung relasyon namin bilang manager at saka talent, pero yung bilang magkaibigan, ’di mapuputol yun. Masyado kaming malalalim na magkaibigan.