Shamcey Supsup help victims of 'Pedring'

The Miss Universe 3rd runner-up assists in relief operations in Baseco compound in Manila.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/29/2011 9:50 AM
Shamcey Supsup help victims of 'Pedring'


092911-shamcey-main.jpgPinatunayan ng Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup na di lamang ganda, ngunit ginintuang puso ang taglay niya ng tumulong siya sa mga nasalanta ng bagyong "Pedring."

Sa report ng ABS-CBN News, matapos ang pagtanggap sa City of Manila’s symbolic key mula kay Mayor Alfredo Lim nitong Miyerkules, dumiretso si Shamcey sa Corazon Aquino High School para mamigay ng  relief goods sa ilang libong residente sa Baseco compound.

Giit ni Shamcey ang humanitarian service ay maituturing niyang isa sa dahilan ng kanyang buhay bilang beauty queen.

Gusto kong tumulong sa mga ganitong klaseng project. Ito 'yung mga gusto kong gawin,” ani Shamcey.

“Feeling ko may purpose kung bakit ako nanalo,” ani Shamcey patungkol sa pagtulong niya sa mga taong higit na nangangailangan.

Samantala, pinapurihan naman ni Mayor Lim ang interest ni Shamcey sa public service.

“’Yan ang ating Miss Universe. Hindi siya nakatungtong sa langit. Ang kanyang dalawang paa, nasa lupa. Gusto niyang makiramay sa kapighatian at kahirapang dinadanas ngayon ng ating mga kababayang mahihirap,” pahayag ng alkalde.

Dagdag sa kanyang adbokasiya na tumulong sa tao, nakatkadang dumalo si Supsup sa breast cancer awareness run sa SM Mall of Asia Grounds.