Phil Younghusband says he still won't join showbiz

The football player says even though he's doing commercials on TV, he remains an athlete at heart.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/29/2011 9:40 AM
Phil Younghusband says he still won't join showbiz


092911-phil_main.jpgMatapos gawin ang iba't ibang commercials, iginiit ng Philippine Azkals heartthrob na si Phil Younghusband na wala pa din sa plano niya na pasukin ang showbiz.

“I’m an athlete. Athlete ako,” ani Phil nang tanungin kung nais ba niyang samahan ang rumored girlfriend na si Angel Locsin sa showbiz industry.

Kung sarado pa din siya sa posibilidad ng pagpasok ng tuluyan sa showbiz, bukas naman ang isipan ni Younghusband sa panibagong proyekto ni Angel kasama si John Lloyd Cruz.

Ayon sa football player, excited siya na magkasama ulit sa isang proyekto si Angel at si John Lloyd na dating mag-partner sa sikat na seryeng "Imortal."

“Her last movie ‘In the Name of Love’ was amazing, and I’m sure her next movie will be just as good. I can’t wait, I’m excited to see the movie. She’s very masipag. She’s very very talented so I’m sure it will be a great movie," ani Younghusband sa panayam ng ABS-CBN News.

Ilang linggo pa lang ang nakakalipas ng  bawian ng buhay ang ina ni Phil. Sa kabila ng trahedya nagpasalamat ang athelete sa suporta at pagmamahal na ipinakita sa kanilang pamilya ng mga tao, lalo na si Angel.

“Angel’s been amazing. I feel very blessed and thankful. She has been there every step of the way,” dagdag ni Phil.

Kahit na nagluluksa pa din, kinumpirma ni Phil na siya at ang kapatid na si  James ay maglalaro pa din sa  Long Teng Football Cup sa Taipei itong darating na September 30.

Ipinaliwanag ni Phil na priority nila sa ngayon ay ang alagaan ang kanilang pinakabatang kapatid na si Keri, kaya importanteng makabalik sa agad sila sa paglalaro.

“It’s a difficult time at the moment, but we just need to keep working. We have a youngest sister to think about so it’s important we get back to real life and start thinking about our youngest sister,” pahayag ni Phil.