• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: 'There is no issue between me and Mariel'

Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: 'There is no issue between me and Mariel'

The Ultimate Multimedia Star assures that she and Mariel Rodriguez are very much on good terms.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/25/2011 9:44 PM
Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: 'There is no issue between me and Mariel'


092611-toni-main.jpgKanina sa The Buzz ay nagsalita si Toni Gonzaga sa isyung sinabi umano ni Mariel Rodriguez na isa sa mga dahilan kaya umalis umano siya sa Happy Yipee Yehey ay dahil hindi na naibalik ang friendship nila ni Toni after nilang magkaroon ng samaan ng loob last year. Paliwanag ni Toni, “I learned about this I think Wednesday (September 21) nung na-publish ‘yung kay Ricky Lo na article. And then I texted Mariel right away, sabi ko, ‘what happened?’ kasi before she stopped attending Happy Yipee (Yehey) we had a good talk,” paliwanag ni Toni.

Idiniin pa ni Toni na maayos talaga sila ni Mariel. “Actually up to now we are okay.” Hindi naman ikinuwento pa ni Toni kung ano ang napag-usapan nila ni Mariel pero sinigurado niya sa lahat na wala silang anumang ‘di pagkakaunawaan ngayon ni Mariel.  “There is no issue between me and Mariel. Mariel and I are okay, we are on speaking terms. Hindi na mauulit ‘yung akala n’yo dati na may misunderstanding, may rift. Wala pong ganon ngayon. Kung ano po ‘yung nangyari d’yan at ano po ‘yung nabasa natin, I don’t think I can answer for Mariel. But for myself, I will not say anything against Mariel dahil sa halos limang taong kasama ko si Mariel, she has been a sister to me and like what I always say to her and I told this to her kaming lahat sa Happy Yipee Yehey we will always wish you the best and we wish you well.”

Samantala, ipagdiriwang ni Toni ang kanyang ika-10 taon sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert na gaganapin sa Setyembre 30. Ikinuwento pa nga ng dalaga nang tawagin siyang Ultimate Multimedia Star. “’Uy ano ba ‘yun!’ sabi kong ganun, para namang multiplex. Sabi nila, ‘Hindi tanggapin mo ‘yan, i-embrace mo ‘yan.’ I think a title given to anyone is something hindi dapat nire-ratain dito (sa ulo) nire-retain sa puso para may gratefulness palagi,” paliwanag niya.

Sumikat sa ABS-CBN, naikuwento rin ni Toni na noong bata pa siya ay pinangarap na talaga niyang makapagtrabaho sa Kapamilya network. “I was 12 years old pumila ako sa mahabang-mahabang pila sa Mother Ignacia para makapasok sa audience entrance. Pero pangarap kong magtrabaho sa ABS-CBN noon. Gustong-gusto kong makapasok sa Ang TV na naaalala ko muntik pa akong mapagsarhan ng gate. Tapos to make the long story short, hindi ako nakapasa noon pero sabi ko sa sarili ko one day makakapagtrabaho rin ako sa ABS-CBN. So maraming-maraming salamapt po sa pagtupad n’yo sa pangarap ko.” Marami raw ibinigay sa kanyang breaks at oportunidad ang network na siya mismo ay hindi niya inasahan.

Panoorin ang full interview ni Toni Gonzaga sa The Buzz (click here)