Kim Chiu is prepared to spend this coming Christmas 'alone'

Though she has no love life, Kim Chiu is still happy because she has a successful acting career.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/25/2011 9:20 PM
Kim Chiu is prepared to spend this coming Christmas 'alone'


092611-kim-main.jpgSinabi ni Kim Chiu na ready na niyang buksan muli ang kanyang puso para sa panibagong pag-ibig subalit kahit na na-link siya sa maraming lalaki, wala pa ring nagmamay-ari sa puso ng teleserye princess at mukhang magse-celebrate uli ng Pasko si Kim nang mag-isa. Matatandaang last year ay mag-isang nagdiwang ng Pasko si Kim at pumunta pa siya sa South Korea para ma-experience daw niya ang snow.

Pero kahit single man, hindi naman nababahala si Kim kahit na wala siyang boyfriend. “Last year din naman ganun din, so nasanay na ako di ba? Tsaka marami naman akong friends,” paniniyak ng dalaga.

Masaya naman daw si Kim dahil sa success ng kanyang career at ang patuloy na pag-hit ng kanyang teleserye, ang My Binondo Girl. “Sobrang overwhelming. Kahit saan ako pumupunta tinatawag akong Yuan o si Jade (mga characters niya sa teleserye) parang ibig sabihin nanonood sila, ‘yon nakakatuwa and ang saya dahil natatanggap nila ako ‘yung lalaking ako.”

Isa pang rason para maging masaya si Kim ay ang upcoming movie niya with none other than Batangas Gov. Vilma Santos. Kuwento nga ng aktres, hindi pa rin siya makapaniwala na makakasama niya ang nag-iisang Star For All Seasons para sa project. “Siyempre excited and nilu-look forward ‘yung dumating ‘yung first shooting day namin and syempre Vilma Santos ‘yun eh, so kakaibang level.” 

Watch the full interview and more on TFC Now!