• Home
  • Fresh Scoops
  • Camille Prats relates her ordeal of losing her husband to cancer

Camille Prats relates her ordeal of losing her husband to cancer

With her husband dying at a young age, Camille Prats says the hardest part now is explaining to her son that his dad is gone.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/25/2011 9:34 PM
Camille Prats relates her ordeal of losing her husband to cancer


092611-camille-main.jpgEmosyunal na ikinuwento ng aktres na si Camille Prats sa The Buzz ang dinaanang pagsubok ng kanyang asawa na si Anthony Linsangan na pumanaw noong umaga ng September 23 dahil sa nasopharyngeal cancer. “Siyempre parang ‘di ka makapaniwala, he was very young. At that time he was only turning 30,” ani Camille nang ma-diagnose daw ang cancer. “It’s not possible for someone his age will acquire a disease like that, kasi even when we’ve had our check-up, ni-rule out agad ‘yun eh kasi nga it could be just anything like viral infection or whatever, parang ganon.” Gayunpaman, hindi raw sila nawalan ng pag-asa at isinailalim daw si Anthony sa treatment.

Hindi raw naging madali ang gamutan pero tiniis daw iyon ni Anthony. “Mahirap ‘yung chemo (chemotherapy) kasi the radiation was grabe ‘yung side-effect. Nasunog ‘yung leeg niya he couldn’t swallow, he couldn’t eat, he came to a point na halos ayaw na niyang ituloy pero hindi tinapos niya ‘yung treatment na ‘yon,” kuwento ni Camille.

Dagdag pa niya masakit daw dahil napakabata pa ng kanilang anak na si Nathan (na 3 years old lang), at hindi pa masyadong maunawaan ang pinagdaanan ng ama. “Alam ni Nathan na daddy’s in pain, hindi niya pwedeng talunan. But there were a couple of accidents na sinampahan niya ‘yung daddy niya.  Masakit talaga so maiiyak talaga siya sa sobrang sakit and he got frustrated kasi nga hindi na niya malaro si Nathan. Hirap na hirap na talaga. Na minsan ipagdadasal ko ba na pahabain pa ‘yung buhay niya pero ganito or kung kunin na lang siya para hindi na mahirapan or hindi ko na alam kung alin dun ‘yung hihilingin ko.”

At kung gaano sinuportahan at inalagaan ni Camille si Anthony ay ganoon din ang ipinakitang walang-kupas na suporta ni Anthony sa asawa. “Bumili kami ng recorder so ‘yun nga he would record the show (ni Camille sa GMA-7) tapos nga kapag itong past few months in and out na kami sa hospital ang requirement niya talaga ‘yung kuwarto niya may flat screen kasi dadalhin niya ‘yung recorder tapos ire-record niya ‘yung [Munting] Heredera gabi-gabi, as in he will never miss it.”

Sinikap daw ng aktres na magpakatatag lalo pa’t may mga panahong nakikita niya ang asawa na pinanghihinaan ng loob. “I had to be strong for him,” aniya. “Siguro buong course ng treatment niya hindi ko pinakita sa kanya na umiyak ako, nothing wala talaga.” Sabi pa ni Camille, sa kanya rin kumukuha ng lakas ng loob ang asawa kung kaya’t hindi siya nagpakita ng kahinaan.

Nagkaroon daw ng isang pagkakataon na nakapag-usap sila at doon niya inamin sa asawa na nahihirapan na raw siya. “Sabi ko, ‘Ayoko na ng ganito gusto ko bukas pagkagising ko nandoon na lang tayo sa bahay tapos nagkakape ka dun sa dining, tapos nakakalat lahat dun ‘yung mga papeles mo. Tapos maaagang-maaga galit na galit na naman ako kasi ikinalat mo na naman don. Gusto ko ganun ulit tayo. I just want that back kahit araw-araw nating pagtalunan ‘yung mga papeles mo dun sa dining, I don’t care it’s just that bumalik ka lang sa ganon.’ Tapos sabi niya sa akin, ‘Alam mo mahal okay lang ‘yon kasi alam mo ba ‘yung maliit na maliit na miracle na ‘yon na gagaling ako, ‘yun ang hinihintay natin. Tsaka mangyayari talaga ‘yon, huwag kang mag-alala.’”

Dumating daw siya sa punto na kinausap na niya si Anthony na magpahinga na. “Kinausap ko na siya sabi ko na sa kanya, ‘Sige na mahal magpahinga ka na, okay na,’ sabi ko. ‘Huwag mo na kaming isipin lahat. Okay na kami.’ Sabi ko, ‘Huwag mo nang isipin si Nathan. I’ll really make sure he w