• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, Derek Ramsay and Cristine Reyes relate how they deal with controversies

Anne Curtis, Derek Ramsay and Cristine Reyes relate how they deal with controversies

The stars of 'No Other Woman' share their opinion on learning that their partner is being unfaithful.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/25/2011 9:18 PM
Anne Curtis, Derek Ramsay and Cristine Reyes relate how they deal with controversies


092611-noother-main.jpgKahapon sa The Buzz ay inilabas ang interview ni Boy Abunda sa stars ng upcoming film na No Other Woman, sina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes. Itinanong ng King of Talk sa tatlo kung ano ang ginawa o gagawin nila kung ang senaryo ay hindi naging tapat ang kanilang karelasyon.

Sinabi ni Anne na nangyari na ito sa kanya at nalalaman niya iyon sa kilos at kagaya ng paraan kung paano itago ng karelasyon ang kanyang cellphone. Dagdag pa ng aktres, kung ano ang ginawa sa kanya ng karelasyon ay ibinalik niya ito. “When I was younger I take revenge. Gaganti ako, I’ll do the same thing. When you grow up, you realize it’s so immature and so childish that you learn to just let it go.”

Ayon naman kay Cristine, “Hindi ko po nalaman. Pero inamin lang sa akin and may mga nakapagsabi rin sa akin. Nilatag ko na sa kanya lahat na heto na. Alam ko na lahat ikaw na lang ang inaantay kong magsabi. Inamin naman po. Umiyak ako ng sobra tapos goodbye na. Kinonfront ko muna siya kung bakit.”

Sabi pa ni Cristine kung magkaharap-harap man sila ng katipan at ng other woman, papipiliin niya ang taong mahal kung sino sa kanila ang mas mahal niya.

Si Anne naman hindi raw niya paaabutin sa ganon ang sitwasyon. Kapag nalaman daw niya na may ibang babae ang mahal ay iiwan na niya ito.  

Kay Derek naman, mas malumanay ang kanyang gagawin. “If I caught Angel (Panganiban) in the act of (being with) somebody else, I’d approach Angel give her a kiss and shake the guy’s hand and walk away.”  

At dahil kontrobersyal ang tema ng kanilang upcoming movie from Star Cinema, ibinahagi rin ng tatlo kung paano nila i-handle ang mga kontrobersyang ikinakabit sa kanila.

Ani Anne, “Learn the art of deadma, it works for me.”

Si Derek naman, “Know the truth and if you have lots of people to support you like your father, you shouldn’t give it that much attention.”

Si Cristine naman ay umaming wala siyang inuurungan. “Wala po akong inaatrasan pero siguro ang natutunan ko sa past matuto na akong dumeadma. Siguro hayaan ko na lang ang Itaas na lumaban para sa akin.”  


Watch the full interview and more on TFC Now!