Camille Prats' hubby dies of cancer

The actress' husband passed away this morning at the age of 31.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/23/2011 2:26 PM
Camille Prats' hubby dies of cancer


092311-camille_main.jpgIsang dagok ngayon ang nangyari sa buhay ng aktres na si Camille Prats matapos pumanaw ang asawang si Anthony Linsangan.

Sa statement na nakalap ng Push.com sa manager ni Camille na si Arnold Vegafria, kanser ang bumawi sa buhay ni Anthony.

"Anthony Linsangan, husband of Camille Prats joined our Creator this morning 8:45 a.m. September 23. The cause of death is nasopharyngeal cancer at the age of 31."

Namatay sa Linsangan sa Makati Medical Center.

Matatandaang 2 beses pinatunayan ni Camille at Anthony ang pagmamahal sa isa't isa nang magpakasal sila ng 2 beses.

Unang nagpalitan ng "I dos" sila Camille at Anthony noong January 5, 2008  sa civil rights at ang church wedding naman ay naganap noong March 5, 2010.  

Maliban kay Camille, inulila ni Anthony ang kanilang anak na si Nathaniel Caesar.