Baron Geisler back to acting via MMK

A Maalaala Mo Kaya episode is the actor's first project out of rehab.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/23/2011 8:49 AM
Baron Geisler back to acting via MMK


092311-baron_main.jpgNakatakdang magbalik sa showbiz ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler sa espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong darating na Sabado (Septemer 24).

Ang nasabing MMK episode ang kauna-unahang acting project ng aktor matapos itong makalabas sa rehab facility dahil sa problema sa alcohol.

"I'm so happy that I'm back they made me feel very welcome na after six months na wala akong trabaho then ito ang maabutan ko ay puro ngiti," ani Geisler sa taping ng MMK sa Parañaque.

Makakasama ni Geisler sa proyekto sina Niña Jose, Sharlene San Pedro at Ina Raymundo.
 
Sa panayam ng ABS-CBN News, nagpapasalamat si Geisler sa mga taong patuloy na nagtiwala sa kanya sa kabila ng nangyari sa kanya.
 
Ipinangako din ng aktor na hindi na siya lalabis sa pag-inom ng alcohol.

"Wala na muna, I don't have any plans to drink because I'm in work mode now," he added

Samantala, panalangin din ni Geisler ang malampasan din ng aktor na si Jiro Manio ang pagsubok sa kanyang buhay.

"Jiro  is a very good actor, I bet he's on his way to recovery, kaya yan," ani Geisler

Kasalukuyang nasa rehabilitation center ngayon si Jiro dahil din sa problema sa alcohol.