Agot Isidro admits separation with hubby Manu Sandejas

The singer-actress admits in an interview with Kris Aquino that she is now separated from her husband of 10 years.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/23/2011 8:52 PM
Agot Isidro admits separation with hubby Manu Sandejas


092411-agot-main.jpgSa hindi inaasahang pagkakataon, inamin ng actress-singer na si Agot Isidro na hiwalay na siya sa asawang si Manu Sandejas matapos ang halos 10 taong pagsasama.

Hindi man nagbigay ng pahayag sa dahilan ng kanilang paghihiwalay, inamin ni Agot na mabuti pa din ang pakikitunguhan nila sa isa't isa.

"Very good terms. Ayaw ko ng magulo. You know I don't want to have bad feelings towards anybody," ani  Agot kay Kris Aquino sa Friday episode ng programang KrisTV.  

Kasalukuyang naninirahan si Sandejas sa dating bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mga alagang aso.

Nang tanungin naman siya kung ano naman ang qualities na hahanapin niya sa isang lalake sakaling magmahal siya ulit, simpleng sagot lang ni Agot ay ang makahanap ng lalaking magiging tapat sa kanya.
 
"Sense of humor. Siguro honest, 'yun lang. Basta masaya lang at saka dapat may ambisyon. Sa looks 'di ako masyado," ani Agot.
 
Si Manu ay kapatid ng asawa ng TV host na si Christine Jacob. Pinasok din niya ang showbiz bilang parte ng isang sports show.

Samantala, parte ngayon ng sikat na seryeng Nasaan Ka Elisa? si Agot.