• Home
  • Fresh Scoops
  • Maryo J. Delos Reyes appeals to give Jiro Manio a second chance

Maryo J. Delos Reyes appeals to give Jiro Manio a second chance

The film director says Jiro's talent will shine further if showbiz gives him another chance.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/22/2011 9:05 AM
Maryo J. Delos Reyes appeals to give Jiro Manio a second chance


092211-jiro-main.jpgMatapos ang ilang buwang pamamalagi sa rehabilitation center, umapila ang direktor na si Maryo J. delos Reyes na bigyan ng publiko ng isa pang pagkakataon ang magaling na aktor na si Jiro Manio.

Sa panayam ng ABS-CBN News, nasa ika-anim na buwan na ngayon sa proseso ng rehab ang aktor at malapit ng lumabas sa facility sa Antipolo.

"I'm positive that he will recover," sambit ng beteranong direktor na siyang unang naghulma sa talento ni Jiro sa pelikulang Magnifico.

Bubuno pa ng halos anim na buwan bago tuluyang ma-release sa rehab facilitity ang aktor.

Dagdag ng direktor kung nabigyan ng isang pagkakataon ulit noon ang mga aktor tulad nila Christopher de Leon at Baron Geisler dapat bukas din sa pagtulong muli ang mga tao para kay Jiro.

Naniniwala ang direktor, na ang tulad ni Jiro ay mas magiging mabuting tao kung bibigyan ng pangalawang pagkakataon.

Tiyak ang direktor na sa susunod na taon ay isang bagong Jiro Manio na ang aktor.

Samantala, sinabihan naman ang direktor ng rehab facility na kailangang may tao na talagang hahawak sa finances ng aktor gayundin ang pag-ayos sa working schedule nito.