Andi Eigenmann hopes to find Mr. Right in the future

The young actress admits she still dreams of getting married someday.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/22/2011 8:50 AM
Andi Eigenmann hopes to find Mr. Right in the future


092211-andi_main.jpgMatapos ang kontrobersyal na isyu sa kanyang pagbubuntis, ibinahagi ni Andi Eigenman ang kanyang pangarap na muling umibig.

Inamin ni Andi na pangarap pa din niyang makatagpo ng lalaking papakasalan siya at tatanggapin ang kanyang anak.

Sa panayam ng ABS-CBN News, taos puso ang pasasalamat ng aktres sa kanyang mga tagahanga na hindi siya iniwan.

Pasasalamat din ang ibinigay ng aktres sa inang si Jaclyn Jose na gumabay sa kanya at tinanggap siya.

Matatandaang si Jackyn ang unang umaming buntis nga ang kanyang anak at hindi na pinangalanan ang ama ng bata.
 
Nakatakdang magsilang si Andy sa Nobyembre. Ani Andy, proud siya  sa kanyang desisyong akapin ang pagbubuntis.

Samantala, sa pambihirang pagkakataon proud ng ipinakita ni Andi Eigenmann ang kanyang baby bump sa special na issue ng StarStudio magazine ngayong Oktubre.