Jinkee Paquiao bets Hermes bag over Pacman's fidelity

The boxing champs wife believes 'beauty is power.'

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/21/2011 9:08 AM
Jinkee Paquiao bets Hermes bag over Pacman's fidelity


092111-jinkee_main.jpgMalakas ang loob ni Jinkee Pacquiao, asawa ng boxing champion na si Manny Pacquiao na hamunin ang sinumang makakapagpapatunay na nambababae pa ang kanyang asawa.

Sa press launch ng kanyang bagong endorsement nitong Martes, inihayag ni Jinkee na bibigyan niya ng isang "Hermes," mamahaling bag ang sinumang makakapagbigay sa kanya ng ebidensiyang nagtataksil pa din ang Pambansang Kamao.

Aniya, kahit abala ang asawa sa training ngayon para sa laban ulit nito kay Juan Miguel Marquez, ay kampante siyang hindi na mali-link ang asawa sa ibang babae.  
 
Beauty is power, kumbaga. Parang dati nakayuko lang ako, nahihiya ako na tinitignan ako ng mga tao. So, ngayon, parang happy ako na confident. ‘Yung dati na hindi niya (Manny) ginagawa, parang iba na ngayon. Tapos, chine-check niya kung anong suot. Minsan kapag nag- lipstick ako ng red, (nagtatanong siya) ‘bakit red?,'" ani Jinkee.
 
Giit ni Jinkee ang importante ngayon ay ang pagdarasal niya para manalo ulit ang kanyang asawa.
 
Nakatakdang magtungo si Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa Estados Unidos sa susunod na buwan, para simulan ang matinding training kontra Marquez na gaganapin sa November 12 sa Las Vegas.