Charice records Final Fantasy XIII-2's theme

The teen star is happy she was chosen to sing a famous video game's theme song.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/21/2011 8:50 AM
Charice records Final Fantasy XIII-2's theme


092111-charice_main.jpgHindi na matatawaran ang kasikatan ng Pinay singer na si Charice matapos siyang mapili na kumanta ng isa sa theme songs ng role playing game na "Final Fantasy  XIII-2."
 
Sa isang panayam na inere sa Japanese program, inihayag ni Charice ang kasiyahang napili siyang i-record ang kantang "New World," o "Yakusoku no Basho" sa Japan.
 
"I just want to thank everybody for giving me a chance to be part of it. It's such a beautiful atmosphere, beautiful,"  ani Charice. Dagdag niya: "When I recorded the song, I was like, this is a great song. It's like you can really relate to it. Not  Ang "New World" ni Charice ay ilalabas sa Western version ng "Final Fantasy XIII-2," samantalang ang "Yakusoku no Basho" o Japanese version ng kanta na ni-record naman ni Mai Fukui ay ilalabas sa Japanese version ng nasabing role playing game.
 
Ang "Final Fantasy XIII-2" ay sequel sa Square Enix's "Final Fantasy XIII" na inilabas noong nakaraang taon.
 
Maliban sa pagiging parte ng "Final Fantasy" game, bahagi din ang kantang "New World" sa pangalawang album ni Charice sa Japan na may titulong "Infinity."
 
Nakatakdang ibenta ang album simula sa Oktubre sa Japan.