Actress, buckle queen na, uma-attitude pa?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/2/2011 11:23 PM
Actress, buckle queen na, uma-attitude pa?


090211-cc-blinditem.jpgAy naku, ano na naman itong nabalitaan namin na paghihitad daw nitong actress sa staff ng isa sa kanyang mga shows? May narinig na din kaming kwento before na talagang minsan eh A for Attitude ang ugali nito, na sobrang layo noong nagsisimula pa lamang siya na parang ‘di makabasag pinggan.

Anyway ang sabi lang sa akin ng mga witness, masyado daw laging conscious si actress sa kanyang looks to the point na wala na siyang pakialam sa kanyang mga spiels basta bongga ang aura niya sa TV. Sabi pa daw ni actress sa staff ng iaabot ang kanyang ‘kodigo’  ay, “’Di mo ba nakikita nagpapa-makeup ako?” Nai-kumpara tuloy siya sa tisay na actress na kasama rin niya sa dressing room na ang nag-aayos sa kanya ang kanyang pinatigil para basahin ang ibinigay ng staff na papel. “Buckle queen na nga, ayaw pang effortan ang pagpapractice ng kanyang spiels!” nalolokang comment ng nakakita ng eksena.

Sana maalala lang ni actress na nagtra-trabaho lang din ang mga staff sa show at hindi lang ang kagandahan ang puhunan ng isang artista.