• Home
  • Fresh Scoops
  • Shamcey Supsup says she is worried most about her privacy now that she is popular

Shamcey Supsup says she is worried most about her privacy now that she is popular

The Miss Universe 2011 third runner-up believes that Philippine candidates do not need interpreters in the prestigious pageant.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/18/2011 9:40 PM
Shamcey Supsup says she is worried most about her privacy now that she is popular


091911-shamcey-1-main.jpgSa pagiging instant celebrity ni Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup sinabi niya na ang invasion of privacy ang kanyang ikinatatakot sa kanyang new status. Paliwanag ng beauty queen, “Para sa akin kasi may limit to everything at hindi pwedeng lahat sabihin sa buong mundo, di ba? May mga bagay na mas magandang (isapubliko) kung sino na lang ang mga kasama alam mo ‘yon ‘yung involved, sa amin na lang.”

Sa katatapos na Miss Universe pageant, sa Top 5 candidates, tanging si Shamcey ang hindi nangailangan ng interpreter. Tinanong siya sa TV Patrol Weekend kanina kung sa tingin ba niya ay dapat ay may interpreter na rin ang Philippine representative sa prestigious contest.  “’Di na. Kung kumportable ka naman mag-Ingles okay na ‘yon. Mas okay ‘yon kasi diretso na.”  

Aware din ang beauty queen na hindi lang ang kanyang buhay kundi pati na rin ang kanyang pamilya ang magkakaroon ng pagbabago. “I think sa Papa ko malaki ‘yung pagbabago. Dati mahiyain po ‘yan, hindi po ‘yan nagpapa-interview ngayon sabi ko kay Papa, ‘Artista na si Papa.’ Pero ngayon po we really haven’t had the time and spend time with each other because I’ve been really busy, pero I hope nothing would really change in our relationship. It’s more of how people see us now or how people treat us that’s different pero how we ourselves as a family, nothing would change.”

Marami raw plano ngayon si Shamcey pero firm siya sa kung ano ang kanyang gustong gawin. “Ang dami ko pong pangarap I don’t think a lifetime is enough to do everything that I want to do pero what’s sure is that I wanna be an architect, I wanna teach. And everything else, I can fit in between.”  Bilang architect, sinabi ni Shamcey ang kanyang opinyon kung ano ang dapat baguhin sa bansa. “Hindi mismo ang building, it’s more on urban planning it’s the macro scale.” Ang kanya naman umanong advocacy ay ang pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon. “Free and quality education for everyone who wants it. Sana.”

Pagdating naman sa beauty, ang pagiging positibo raw sa pananaw ang kanyang sikreto. “Being positive lang. Ako I’m not usually positive kaya I usually surround myself with positive people and they give me that boost and that energy to face everything. Kailangan mo ng confidence (and) you get it from being positive.”

Kung maging tourism ambassador man daw siya, security ang una raw pagtutuunan ng pansin ni Shamcey. “Alam ko maraming magagandang places sa Philippines so I think it’s security. I think a lot of foreigners are afraid to come, especially in Mindanao, andaming magagandang places that they could go to kaya lang they’re scared about their security and they’re not gonna be safe. I think we should focus on that, solve that and I think a lot of foreigners would come.”

At dahil taga- General Santos si Shamcey at recently ay maraming nakikilalang mga pangalan mula sa nasabing province, gaya nina Manny Pacquiao at Nonito Donaire, tinanong ang beauty queen kung ano ba ang sikreto ng mga native ng province. Ang nakatutuwang sagot ng dalaga ay, “Tuna?