• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen and Charlene Gonzales talk heart-to-heart on The Buzz

Janice de Belen and Charlene Gonzales talk heart-to-heart on The Buzz

The actress was overwhelmed by ABS-CBN's warm welcome on her return to the Kapamilya Network.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/18/2011 9:24 PM
Janice de Belen and Charlene Gonzales talk heart-to-heart on The Buzz


091911-janice-main.jpgMagkahalong nerbyos at excitement ang naramdaman nina Charlene Gonzalez at Janice de Belen sa The Buzz kahapon dahil first time ng dalawa na magharap ng puso sa puso. Gayunpaman, naging maganda ang interview ng host na si Charlene sa character actress.
Unang sinabi ni Janice na very happy siya sa pagbabalik-Kapamilya niya at kasama siya sa upcoming teleserye na Budoy na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. “I have never felt as excited as I am for a project. I don’t know, I don’t know if it’s the story, I don’t know if it’s the hype, I don’t know if it’s because it’s a really good project,” paliwanag ni Janice.  

Todo-todo rin ang pasasalamat niya dahil hindi raw niya inasahan na magiging ganoon kainit ang pagtanggap sa kanya ng Kapamilya network. “Overwhelming welcome. It’s nice to see old friends. I didn’t expect it to be this way because when I left ABS-CBN it was…because of a very difficult situation. But now that I’m back, everything is water under the bridge. It’s nice to be back. I’m thankful sa lahat ng patuloy na nagtitiwala, na naniniwala na I do have something to give. I may not be as sexy but the one thing I know, I can give is good work.”

On a personal note, tinanong din ni Charlene si Janice kung may love life siya ngayon. “No,” mabilis niyang sagot. “I’m really quiet because there is really nothing to talk about.”  Inamin naman niyang umaasa siyang makakatagpo pa rin siya ng magmamahal sa kanya. “ Of course I don’t want to grow old alone. Of course I still have that dreams of meeting…huwag na si Prince Charming. Hindi na darating ‘yan. Wala naman talagang Prince Charming talaga. Hindi totoo ‘yon, ‘yong konsepto ng Prince Charming… it’s not true,” seryosong sagot pa ni Janice. “I beg to disagree,” reaksyon naman ni Charlene na ang asawa ay si Aga Muhlach, ang dating pag-ibig ni Janice at ama ng kanyang panganay na si Luigi. Natawa naman si Janice at sinabing charming naman daw si Aga.

Tinanong rin ni Charlene si Janice kung ano ang naramdaman niya nang nalaman niyang ikakasal ang former beauty queen kay Aga noon. “It was okay,” tugon ni Janice. “Sa akin kasi ‘pag tapos na, move on, wala nang drama ‘pag may ikinasal. ‘Pag naghiwalay na kayo, naghiwalay na kayo, dapat naisip mo na ‘yon. It was really fine. There’s never been any issue between the two of us. Nagkakaroon lang ang issue when people talk that way (pero) wala naman talaga.”

Inusisa rin ni Charlene ang relasyon ni Janice sa dalawang lalaking naging parte ng kanyang buhay, sina Aga at John Estrada. “Aga and I have no problem. We may have differences that we have had in the past (pero) tapos na ‘yon. I guess we’re mature na rin. Matanda na kami. May apo na nga kami. Everything is okay.”

Mas ingat naman ang aktres sa pagsagot niya hinggil sa relasyon nila ni John Estrada. “The other one, we’re civil and I think it’s better that way,” paliwanag niya. “We will talk when we need to talk. If there is a need to talk, we will talk but you see, our kids are grown-ups already. Whenever there is something they need from their father, I always tell them that you’re grown-ups now, you can deal with it. You can tell him what it is you want, what you need or what you need to say.” Apat ang anak ni Janice kay John.

Hindi rin nagpaka-showbiz ang aktres sa pagsasabing may mga regret din siya sa buhay. “Every time we are asked if we have regret sa buhay we always say, ‘Of course not. Wala akong regrets sa buhay kasi we learned from that.’ Yes, it’s true but we all have regrets. But it’s always painful to say you have regrets because you know ikaw ang lahat ang may kasalanan nun. Because we choose to say (we have no regrets). We all have regrets. Whatever they