• Home
  • Fresh Scoops
  • Diether Ocampo shares 'love-hate relationship' with Kris Aquino

Diether Ocampo shares 'love-hate relationship' with Kris Aquino

Although he is single, Diether Ocampo is not stressing himself over finding a new love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/18/2011 9:35 PM
Diether Ocampo shares 'love-hate relationship' with Kris Aquino


091911-diet-main.jpgIpinaliwanag ni Diether Ocampo sa The Buzz ang tila away-bati nilang relasyon ng kaibigang si Kris Aquino. Matatandaang noong September 6 episode ng Kris TV, naging controversial ang episode dahil kinumpronta rito ni Kris si Diet sa hindi nito pagsagot sa kanya sa tuwing nagti-text ito sa aktor. Sabi ni Kris, alam daw ni Diether na ayaw na ayaw niya kapag ‘di siya sinasagot sa text.

May nagtanong sa akin, ‘Iniiwasan mo ba si Kris?’ Sabi ko, ‘Ba’t ko naman iiwasan? Lubak ba siya para iwasan?’ (laughs) Siyempre gusto ko ring makasama ko ‘yung mga kaibigan ko. Alam ko rin naman na busy rin siya pero may mga instances na ako naman ang busy,” paliwanag ng aktor. “Hindi nagma-match ang schedule namin.”

Ayon pa kay Diether, kung nagkakaroon man sila ng ‘di magkakauwaan ni Kris ay normal ‘yon sa magkaibigan. “Normal po sa magkaibigan ‘yung nagtatampuhan. ‘Yun ang masarap (dahil) the next time na magkikita kayo nalalambing mo na nasusuyo mo na, ‘ikaw naman, huwag ka nang magtampo.’ ‘Yun ang mga pinapangalagaan natin.”

Iginiit ni Diether, ang ‘di magtugmang schedule lang talaga nila ang problema. “Minsan ako nagyayaya, ‘di siya pwede, busy siya o kaya last minute kakanselin niya. Pero ngayong mga nakaraang araw, parang ako ‘yung ganon.” Patapos na raw kasi ang Guns and Roses ngayong Linggo kung kaya’t tutok sa taping si Diet.

Paniniyak pa ni Diether, hindi naman siya nangangamba kung single man siya ngayon. “Matumal po sa ngayon pero darating tayo d’yan, ‘di natin dapat madaliin.”