Does Yael Yuzon find inspiration in Karylle?

Although he eludes questions about his supposed relationship with Karylle, Yael Yuzon admits that she is an inspiration.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/17/2011 9:45 PM
Does Yael Yuzon find inspiration in Karylle?


091811-yael-main.jpgPa-safe pa rin sumagot ang lead vocalist ng bandang SpongeCola na si Yael Yuzon hinggil sa tanong kung kamusta na ba sila ng napapabalitang girlfriend niya na si Karylle. Recently ay inilabas ng grupo ang kanilang fourth full-length studio album na Araw Oras Tagpuan under Universal Records. Very impressive ang mga tracks ng nasabing album na may pagka-pop ang tunog. Ilang members of the press din ang nang-intriga kay Yael kung inspired ba siya kung kaya’t nakagawa siya ng magagandang kanta.

Sa tanong kung ang anak ba ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang nagiging source of happiness  and inspiration niya para makagawa ng magagandang kanta sa album, ang sagot ni Yael, “Lahat ng mga friends natin ngayon at lahat naman ng people around me nagiging inspiration ko.” Isa sa mga kantang ipinagmamalaki niya ay ang “She Weeps” at inilarawan nito ni Yael na tila “seeing something spectacular and being lost for words. So parang medyo if you follow the lyrics nagja-jump siya ng one description from one another.” Isinulat daw niya ang kanta noong 12-anyos siya.

Dahil hindi nakuntento sa sagot, humirit uli ang media kung ang kanyang positive mood ay dulot ng madalas na kasama niya si Karylle. At ang nakaiintriga niyang tugon, “Well, madalas ko siyang nakakasama [dati] pero ngayon hindi kasi nasa Singapore siya.” Ang singer-actress ay nasa nasabing bansa ngayon kasama si Christian Bautista dahil ginagawa nila ang TV-musical show na The Kitchen Musical.

Kamakailan din ay napabalitang bantay-sarado raw ang vocalist kay Karylle kahit na nasa Singapore ito. Sinabi naman ni Yael na lagi naman silang naga-update-an ni Karylle via Twitter at gayundin sa lahat ng kanilang kaibigan.

Dahil sa pagiging ilag ni Yael pagdating sa diumano’y relationship nila ni Karylle at gayundin ang huli sa tuwing tatanungin tungkol sa alleged boyfriend niya, isang reporter ang nagtanong sa kanya kung napag-usapan ba nilang ilihim na lang ang kanilang relasyon sa media. “Hindi naman wala naman kaming napag-uusapan na media part,” pagtanggi ni Yael.

Samantala, isang big success din para sa banda ang pagiging diamond-recording band nila dahil sa pagkakabenta nila ng 200,000 coplies ng kanilang 2010 mini-album or EP (extended play) na Tambay.