Aspiring Actress iniwan sa ere ni Magaling na Aktor?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/17/2011 2:03 PM
Aspiring Actress iniwan sa ere ni Magaling na Aktor?


bi123.jpgNaflatter si Aspiring Actress (na nakilala sa isang reality TV show) nang manligaw daw sa kanya si Magaling na Aktor. Eh sino ba naman di matutuwa nun, bukod pa sa talented ito ay yummy pa si Magaling na Aktor. 

Kaso after a few months ng paglabas-labas parang bigla na lang daw naging busy si Magaling na Aktor sa kanyang church activities at wala nang oras makipagkita kay Aspiring Actress. Nalungkot si Aspiring Actress pero okay na din daw iyun dahil at least hindi pa siya masyadong invested sa manliligaw.

Pero nakarating din agad sa kanya ang balita na kaya pala busy si Magaling na Aktor sa kanyang church ay dahil laging kasama nito si Sosy Actress na siyang naghikayat sa kanya na sumama doon. Natawa na lang si Aspiring Actress pero mabuti na din daw siguro na impluwensya si Sosy Actress kay Magaling na Aktor. Hindi na rin siya nanghihinayang dahil marami pa namang ‘fish in the sea’ at nagpapansin kay Aspiring Actress.