• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on her mom Pinty's overprotectiveness: 'Okay lang, nakinabang naman ako'

Toni Gonzaga on her mom Pinty's overprotectiveness: 'Okay lang, nakinabang naman ako'

Toni Gonzaga shares how she deals with her mom's controlling attitude towards her showbiz career and personal life.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/15/2011 8:51 AM
Toni Gonzaga on her mom Pinty's overprotectiveness: 'Okay lang, nakinabang naman ako'


091511-toni_main.jpgToni Gonzaga said that having her mom Pinty Gonzaga as her manager made her showbiz career easier to handle since her welfare comes first before business. “Bilang ina 27 years na niya ako mina-manage. Pero career-wise ever since I started kasi nag-audition ako at the age of 7, siya ang humaharap sa lahat. Dahil nanay ko siya, ang gusto lang talaga niya mapabuti ako. More on personal side kaysa business side ang inaalala niya. Hindi niya tinitignan yung pera, tinitignan niya kung kaya ng katawan ko, kung makakabuti sa akin. Nandun yung protective instinct ng isang ina.”

At the same time, Toni’s not blind to the fact that her mom could be very strict and a bit controlling when it comes to her personal life. “Ang disadvantage naman, minsan umo-overboard talaga ang mommy ko. Lahat talaga papakialaman niya pati personal, love life, lahat talaga. Pero iniisip ko na lang, wala namang ina ang naghahangad ng masama sa kanyang anak so sumusunod na lang ako. Hindi ko pa siya pina-fire, charot! Go lang ng go. Okay ang aming relationship as mother-daughter and manager-talent.”

Proof of Mommy Pinty’s overprotective attitude towards Toni is that she still has a curfew especially when she has a date with her boyfriend Paul Soriano. “Akala ng nanay ko kaka-16 ko lang kahapon, 27 years old na pala ako. Pero nirerespeto ko naman yun. Magrerebelde pa ba ako at my age? Tapos ang mga kasabayan ko teenager? Tatakas ng bahay, aakyat ako sa bakodNakakahiya magrebelde.”

As much as she wants to go out of town with Paul just like other celebrity couples, Toni maintained that Mommy Pinty’s strict rules are all for her own benefit. “Gusto ko nga, kaya lang ‘di pa pwede, dadating tayo sa punto na ‘yan. Kaya nga sabi ko sa kanya, ‘Alam mo Paul, kung sakali talaga na magkakatuluyan tayo at ikaw ang mapapangasawa ko, hindi ba napakaganda na i-look forward yung sabay tayo mag-travel for the first time?’ So ganon talaga. At least kapag kinasal kami madami kami ilu-look forward together. Masyadong protective kasi ang mom ko. Pero okay lang, nakinabang naman ako.”

With regards to her savings, Toni is proud to say that her mom has invested her earnings really well. “Hindi ko nabibilang [yung kinikita ko] kasi nanay ko ang nagbibilang. Pagdating sa money matters, dahil magaling humawak ng pera ang mommy ko, pinagkakatiwalaan ko siya. Lahat ng investments ko, siya ang bahala. Tapos ine-explain naman ng mommy ko sa akin kung saan napupunta lahat ng pera. Maayos naman, magaling maghawak ng pera ang mom ko,” she stated.