• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks says she was hurt when her relationship with Jake Cuenca ended

Melissa Ricks says she was hurt when her relationship with Jake Cuenca ended

The 'Nasan Ka Elisa?' star is still vague over the reason of her break up with Jake Cuenca.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/11/2011 8:18 PM
Melissa Ricks says she was hurt when her relationship with Jake Cuenca ended


091111-melissa_main.jpg“I’m loving myself, loving everything na ibinibigay sa akin ngayon, trabaho, my family and friends,” ito ang bungad ni Melissa Ricks sa The Buzz kanina during her interview para sa kanyang new show na Nasan Ka Elisa? Sa nasabing interview, hindi rin naiwasan na itanong kay Melissa ang tungkol sa breakup nila ng dating boyfriend na si Jake Cuenca.

Medyo iwas ang aktres na sagutin ang ilan sa mga katanungan, partikular na pagdating sa naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. “Siguro ‘yung breakup namin kung anuman ‘yung naging dahilan hindi na kailangang sabihin pa,” paliwanag ni Melissa. “Kung ano ‘yon, nag-usap na kami and that was all. I’m sure everything happens for a reason, he’s happy where he is now and I’m happy with my career and everything but ‘yon… siguro right now it doesn’t matter anymore. What matters is how I’ll grow as a person, what I’ve learned and how I’ll get pass everything. I know I have a great support group behind me and I’m thankful for that.”

Ilang beses ding tinangka ng host na si Charlene Gonzales na alamin kay Melissa kung bakit sila naghiwalay ni Jake. Sinagot naman ito ni Melissa pero hindi siya nagbigay ng specific details. “Siguro may mga bagay lang talaga na hindi namin napagkakasunduan, may mga bagay na ‘di inaasahang mangyayari pero these things happen in a relationship and hindi namin masisisi ang isat-isa. Whatever the reason was, tapos na ‘yun eh. There’s no reason going back to it, dwelling in it. I just wanna move forward, grow as a person and I just wanna be happy. I want everything to be okay.” Wala rin raw third party involved.  

Sa tanong naman kung galit ba siya kay Jake sa paghihiwalay nila, ang diretsang sagot ni Melissa, “Kung galit hindi ko naman po mako-consider na galit. Sama ng loob.” Hindi rin daw sila nagkakausap at hindi na kailangang mag-usap pa dahil maayos naman daw silang naghiwalay.  

Sa tanong kung ano ang kanyang natutunan sa kanyang unang relationship, sagot ni Melissa, “I learned hindi dapat lahat ng oras, lahat ng pagmamahal binubuhos sa isang tao. A big part of you parang nawala na rin.” Hindi niya itinanggi na sobra siyang nasaktan sa pagbi-break nila. “Siyempre naiwan kang mag-isa at ‘yung taong nasanay ka na kasama mo for two years wala na.