Matteo Guidicelli apologizes to Coco Martin

Matteo says one of the issues he had with Coco was the 'stolen kiss' the actor gave to Maja during a mall show.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/11/2011 8:33 PM
Matteo Guidicelli apologizes to Coco Martin


091211-matteo-main.jpgIpinalabas sa The Buzz kanina ang interview ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli hinggil sa nangyaring gulo sa kanilang dalawa ni Coco Martin sa Star Magic Ball noong Setyembre 3. Sa nasabing interview ay inilahad din ni Matteo kung paano sila na-develop at na-in love ng girlfriend na si Maja Salvador.

Aniya, marami ring pinagdaanan ang relasyon nila ni Maja at marami raw tao ang ayaw na maging sila. “Pero alam mo sinasabi ko sa kanya kung mahal niya ako, mahal kita gagawan natin ng paraan,” ani Matteo. May mga away din daw sila kagaya ng ibang mga relasyon. “Marami kaming opposites but it’s very nice kasi she teaches me a lot, I teach her a lot.”

Inamin din ng racer-turned-actor na noong maging matunog ang team-up ni Maja kay Coco ay nagsimula siyang magselos at nagkaroon ng instance na nag-away sila dahil dito subalit nagkakabati rin. Nabanggit din niya ang insidenteng nagnakaw daw  ng halik si Coco kay Maja sa mall show ng kanilang teleserye noon na Minsan Lang Kitang Iibigin. Ilang beses din daw niyang tinext si Coco pero hindi raw nila naayos ang kanilang ‘di pagkakaunawaan hanggang sa maganap ang insidente sa Star Magic Ball.

Aniya, nang magpunta ang ilang artists ng Star Magic sa Salon de Ning, naroon na raw si Matteo, kasama sina Maja, Kim Chiu at Xian Lim. Pumunta raw muna sa CR si Matteo at pagbalik daw niya ay nakita niya si Coco na kasama si Maja. “Nilapitan ko si Coco, inakbayan ko po siya I placed my arm around his shoulders. Sabi ko sa kanya, ‘Bro, ba’t ‘di mo ako pinapansin?” Ani Matteo, bago raw niya inakbayan si Coco, buong gabi raw silang hindi nagbatian. Sumagot naman daw si Coco na inaaway daw kasi siya ni Matteo.

“That time (na inakbayan ko si Coco), wala akong galit sa kanya. I just wanted to clear things. Kim and Xian were in front and they were even clapping kasi they saw us hugging and sabi ko sa kanya, ‘Bro, mag-usap na lang tayo sa labas.’ Sabi niya, ‘Okay sa labas.’ And now, Tito Boy, I understood the miscommunication with him thinking about it, I understand that he got the wrong message,” paliwanag ni Coco kay Boy.

Nung sinabi ko usap tayo sa labas, baka he thought something else ba. Inakbayan ko pa siya, pag-ikot namin sinuntok niya ako sa mukha. I was trying to analyze also din. After a few steps, parang may steps doon and my arm was around his shoulders baka ‘yung feeling niya bumigat ‘yung braso ko so he felt threatened, he felt provoked.”

Hindi raw inasahan ni Matteo ang suntok at bigla raw umawat ang mga kasamahan nila. Hindi rin itinanggi ni Matteo na nakainom sila noon ni Coco. Aniya, na-shock daw si Maja nang makita ang mga pangyayari. Galit na galit daw si Matteo dahil sa nangyari. Sinabihan daw siya ni Maja na huwag magselos pero nangibabaw daw kay Matteo ang kanyang emosyon. Pero sabi ng My Binondo Girl star, may natutunan daw siya sa nangyari at na-realize niya na dapat ay hindi lang ang sarili ang iniisip niya.

Apologetic din si Matteo kay Coco dahil sa mga kaganapan. “Co, pasensiya na talaga sa nangyari. It was a big, big misunderstanding. Sana hindi nangyari ang nangyari. Sorry sa text na (nagdulot ng) misunderstanding, pasensya na talaga. Sana makapag-usap na tayo. Sana we can be friends again, start again from zero.”

Ani Matteo nasa showbiz siya para magpasaya ng mga tao at hindi para lumikha ng problema. “I guess in-approach ko si Coco in a wrong way. From that approach, it caused everything else. I was being jealous again,” sabi ni Matteo. Hindi na rin daw siya magseselos kung magkatrabaho muli sina Coco at Maja at inaming siya rin ay fan ng kanilang team-up. Sina