• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes reveals that she is cured from viral meningitis

Cristine Reyes reveals that she is cured from viral meningitis

Because of her recent ailment, Cristine Reyes relates that she has realized the importance of being healthy.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/11/2011 8:15 PM
Cristine Reyes reveals that she is cured from viral meningitis


091211-cristine-main.jpgSa The Buzz kahapon ay inamin ni Cristine Reyes na ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital kamakailan ay viral meningitis at hindi lamang over fatigue na una niyang sinabi sa media. Kuwento pa ng aktres, ang nasabing sakit ay delikado pero buti na lamang ay naagapan ito. “Lahat pwedeng tablan, lalo na kapag mahina ang immune system natin. Ang nangyari sa akin everyday akong may work, everyday akong puyat, so bagsak talaga ang katawan ko,” paliwanag ni Cristine. Dagdag pa niya, malakas naman siyang kumain at kumpleto sa pag-inom ng mga vitamins subalit hindi pa rin ito umubra dahil kulang siya sa pahinga. “Sobra akong laging nilalagnat. Every night, nagti-39.9 (degrees) ako, tapos sobrang sakit ng ulo ko, hindi siya normal na headache.”

Sa loob daw ng dalawang linggo ay na-confine daw sa ospital si Cristine subalit hindi na niya kinaya ang pagkainip kung kaya’t nakiusap sa kanyang doktor na payagan na siyang makauwi. “Two weeks na kasi akong nasa ospital, umiiyak na ako sa doktor ko sabi ko gusto ko na talagang umalis. Dapat one week pa dapat (ako magsi-stay) pinaalis na ako kasi ‘di ko na talaga kaya, eh,” paliwanag ni Cristine. “Inip na inip na ako gusto ko ng lumakas, naisip ko talaga health is wealth. So kayo (mga) nanonood alagaan n’yo po health n’yo. Hindi porke’t bata kayo, hindi na kayo magkakasakit,” panawagan ng aktres.

Sobrang na-touch naman si Cristine sa concern at effort ng boyfriend na si Rayver Cruz na araw-araw raw ay nasa ospital upang kumustahin ang kanyang kalagayan. “Thank you, Baby, sobrang inalagaan mo ako. Alam ko busy ka rin sa work mo, (pero) humanap ka ng oras para sa akin,” mensahe niya kay Rayver.  

Samantala, very proud naman si Cristine sa kanyang upcoming movie, ang No Other Woman, kung saan makakasama niya sina Anne Curtis at Derek Ramsay. “Maraming makaka-relate dito lalo na sa role ko. In fairness ako po ang wife dito,” pagbibiro pa ng dalaga dahil in the past ay na-link siya sa mga lalaking may karelasyon o taken na noon.