Baguhang teen actor, unprofessional at sinungaling!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/12/2011 12:46 AM
Baguhang teen actor, unprofessional at sinungaling!


091211-blinditem.jpgWALA pang isang taon sa showbiz ang teen actor ay nagpakita na ito ng unprofessionalism. Sa kinabibilangan nitong teen program, madalas na late ito sa kanyang call time. "Late na nga, sinungaling pa," say ng source ng Push.com.ph.

Kadalasan daw ay hindi nito inaamin ang kanyang kasalanan. Sasabihin nito na on time siya dumating sa set kahit buking na. Disappointed ang production staff sa teen actor. "Lumalala ang pagiging sinungaling niya. Kahit buking na, magpapalusot pa din. Hindi na nga kahusayan, unprofessional pa."

Sa isang very recent mall show, bukod tanging ito lang ang hindi nagdala ng kanyang minus one. Aware ito na kailangan niyang kumanta ng at least 2 songs sa mall show pero nagdahilan ito. "Hindi rin naman siya kagalingang sumayaw, so ano ang gagawin niya sa mall show?" galit na tinuran ng production staff ng kanilang teen show.

Kung tutuusin ay wala namang maipagmamalaking talent ang teen actor. Oo nga't guwapo ito pero pagdating sa actingan, hirap na hirap pa din itong magbigay ng emosyon.

Ang tanging pasaporte ng teen actor sa pagpasok niya sa showbiz ay anak siya ng kilalang personalidad. At ang pagiging screen partner ng sikat na female star.

Nakarating na sa manager ng teen actor ang ‘di magandang paguugali nito. Ngayon ay pinagiisipan ng manager kung ano ang sanction na ibibigay nito sa alaga. At kung hindi magbabago ang teen actor, malamang na hindi na masundan ang kasalukuyang teen program kung saan cast siya