• Home
  • Fresh Scoops
  • Albie Casino on controversies: 'Wala na tayong magagawa sa nangyari'

Albie Casino on controversies: 'Wala na tayong magagawa sa nangyari'

The controversial young actor reveals that he is confused if he will leave showbiz or not in favor of his education.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/11/2011 8:31 PM
Albie Casino on controversies: 'Wala na tayong magagawa sa nangyari'


091211-albie-main.jpgPinili ni Albie Casino na huwag magkomento sa inilabas na blog entry kamakailan ni Andi Eigenmann kung saan pinangalanan siya ng aktres bilang ama ng kanyang dinadala. Kinabukasan ay tinanggal naman ni Andi ang pangalan ni Albie sa entry na ito.

Iwas din si Albie sa kahit ano mang tanong na may kinalaman sa kontrobersya. Nang tanungin siya hinggil sa diumano’y plano ng kanyang mga magulang na idemanda si Andi, ang paiwas na sagot ni Albie, “Hindi ko po alam, wala po akong alam.” Pero lubos naman ang pagpapasalamat ng teenage actor sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga intriga. “Maraming salamat po sa suporta ninyo na hindi n’yo po ako nilaglag. Marami pong salamat,” ani Albie.

Wala naman daw pagsisisi ang aktor sa pagpasok niya sa showbiz sa kabila ng mga kinasangkutang kontrobersya. “Hindi eh. Alam ko na ‘yon, eh,” paniniyak niya. “Ito ‘yung pinasok ko, eh. Sa akin kasi useless ‘yung sana-sana, eh kasi tapos na s’ya. Wala na tayong magagawa sa nangyari, so ‘yun lang inisip ko kung paano ko maayos ito.”

Ngayon daw ay ikinokonsidera ni Albie ang pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral kung saan incoming freshman siya. “Gusto ko naman po talagang mag-aral, eh. Pero iniisip ko pa kung ano kasi ‘yung course na gusto ko talaga, (which is) Psychology, eh. Mahirap naman talagang i-balance ‘yun, eh sa showbiz so kailangan ko talagang mamili ng isa.” 

Hindi naman decided ang aktor kung hudyat ba ito na iiwan na niya ang showbiz na aniya ay mahal niya. “Hindi ko talaga alam, eh. Ayoko kasi na may ginagawa akong hilaw. Gusto ko may ginagawa ako concentrate ako do’n ayokong hinahati ‘yung focus ko, tsaka parang lackluster in both performances.”