Karylle hopes to have more projects outside the country

After 'Kitchen Musical,' Karylle says that she intends to do more shows out of the country.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/9/2011 9:13 AM
Karylle hopes to have more projects outside the country


080911-karylle_main.jpgDumating kamakailan sa bansa si Karylle after spending two months sa Singapore para mag-taping ng musical TV series na Kitchen Musical kung saan kasama niya si Christian Bautista. Pero lilipad pabalik sa Singapore ang singer-actress sa Singapore ngayong araw, August 9, para ituloy ang taping until the end of September.

Hindi nga raw niya napapanood madalas ang mga episodes dahil sobrang demanding ng schedule para sa show pero nakakarinig siya ng magagandang feedback. “Nakausap ko si Christian, sabi niya ang ganda, so sobrang na-excite (ako) tapos nawala ang lahat ng kaba ko. Kasi wala kaming idea kung ano ang hitsura ng finished product. Talagang secret nila hangga’t ‘di nila nalalagay lahat ng kanta, special effects or whatever,” kwento ni Karylle.

Nang matanong siya sa kung ano ang plano niya sa kanyang international career, sinabi ni Karylle na pagkatapos ng Kitchen Musical ay magiging open pa rin siya sa mga international offers. “Itong show na ito hopefully after this magkaroon ng iba pang offers, kung sa theater naman, ‘pag dumating na lang kasi lagi namang may auditions, gaya nito nag-audition ako for this.”

Hindi rin siya nangangamba para sa kanyang career sa Pilipinas dahil sa tulong ng technology ay pwede pa rin daw siyang maging in touch with her fans. “Actually everyone is interactive, everyone is on Twitter. Nagsusulat na lang ako, nagba-blog din ako once in a while. Gumagawa rin ako ng mga video ganyan.”

Best friends daw sila ni Christian sa TV show. Masaya rin niyang ibinalita na marunong nang sumayaw ngayon si Christian dahil required ito sa kanya. “Isa na po siyang ganap na dancer. ‘Yung choreographer namin don is from Australia. Nung huli naming dance number talagang napatingin ako na dancer na talaga itong si Christian.” Araw-araw nga raw silang magkakasama doon.
Sa October daw ay ipapalabas ang pilot episode sa ABS-CBN at ang mga susunod na episodes naman ay ipapalabas sa Studio23 at sa AXN cable channel.

Kung si Christian daw ay natutong sumayaw, ang kay Karylle naman, “Ngayon marunong na akong magluto. Dati pa-bake-bake lang ako nai-intimidate talaga akong magluto kasi di ba parang ang perfect ng cook sa mga TV parang konting ganyan lang, magic. Tapos ngayon ako kaya ko na rin magluto.”