• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor says she wants to change for the better in her showbiz comeback

Nora Aunor says she wants to change for the better in her showbiz comeback

The Superstar says that she realized that she is intent on changing her negative attitude with her return to the country.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/7/2011 10:02 PM
Nora Aunor says she wants to change for the better in her showbiz comeback


080611-nora-main.jpgSa pagdating ni Nora Aunor sa bansa ay sinagot niya ang mga ibinabatong isyu sa kanya, kagaya ng isyung pagsusugal niya at pag-inom ng alak at ang isyu na gusto na niyang magbago.

Unang sinagot ng Superstar ang isyung pagiging madalas umano niya sa casino nung nasa Amerika siya. “Kanya-kanyang dibersyon ng tao ‘yon. Hindi naman pera nila ang ginagastos (ko). May mga insidente naman na niyayaya lang ako ng kaibigan ko sila ang nagbibigay ng pang-ano (taya). Naghihirap ka na nga magsusugal ka pa,” depensa niya.

Hinggil naman sa pag-inom niya ng alak, ang prangkang sagot ng aktres, “Alam mo tumador na talaga ako nung araw pa. Nagkakilala kami ng press dahil sa isang bote ng brandy. Nung namatay ang papa ko noon, nangako na ako (na) hindi na ako iinom.”

Sa ngayon daw ay pinag-iipunan ngayon ni Ate Guy ang pampa-opera para muli siyang makakanta. Nagkakahalaga ito kasi ng US$50,000.  “Ang nag-oopera kasi dyan ‘yung Boston Hospital ‘yung gumawa ng kay Julie Andrews nung nawalan siya ng boses. Dun ko nakita ‘yon kaya nagbabakasakali ako dahil gusto ko talagang bumalik ang boses ko.”

Nilinaw rin ng veteran actress na hindi niya boyfriend ang dating aktor na si John Rendez pero sinabi niya na karamay niya ito sa hirap at ginhawa.  “’Yung tao (na) talagang dumamay sa akin don walang iba kundi si John ‘yan. Ipagtatanggol ko talaga ‘yung tao kahit anong mangyari.” Nung nagpa-opera nga siya sa Japan para lalong bumata ang hitsura ay sariling gastos nga ang ginawa ni John para bisitahin si Ate Guy dahil labis itong nag-alala. “Si John walang biro ‘yon, gusto ko lang malaman ng tao si John napakabuting-tao na hanggang ngayon dumadamay sa akin sa lahat ng hirap na dinaranas ko. Kung wala ang tao (John) pilay ako talaga.

Inulit din ni Ate Guy ang pagnanais niyang magbago sa kanyang pagbabalik-showbiz. “’Pag sinumpong nali-late sa shooting, minsan nagrerebelde hindi ako dumarating na ganon.  May mga dahilan kung bakit ko ginagawa ‘yon. Pero minsan pala ‘yung mga ganong pag-aano na ako ang naapektuhan hindi rin pala maganda. Siguro unahin ko muna ang sarili ko na baguhin ang dapat baguhin at gawin kung ano ang dapat gawin para sa akin din.

Ngayon naman daw ay maayos na ang relasyon niya sa kanyang mga anak. Normal lang naman daw ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan pero ang mas importante raw ay nagmamahalan sila.