Kim Chiu reveals she has new suitors

The star of My Binondo Girl though doesn't want to name who they are but says she is flattered with the attention.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/7/2011 10:15 PM
Kim Chiu reveals she has new suitors


080811-kim_main.jpgSa report ng The Buzz ay inamin ng aktres na si Kim Chiu na may mga lalaking nanliligaw sa kanya, pero tumanggi ang dalaga na idetalye ito. “Nahiya naman ako. Sasabihin ko nililigawan ako nito tapos hindi naman pala,” pagbibiro ng aktres na bida sa upcoming teleserye na My Binondo Girl.  Nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa mga bago niyang manliligaw, ang nahihiyang tugon ni Kim, “Andyan lang naman (sila) and thank you dahil wala lang... ganyan lang,” sabay tawa niya.

Samantala, sunod-sunod naman ang achievements na natatamo ni Kim. Natapos na ang dream house ng aktres na walang dudang mamahalin. Bukod pa rito ay nakapagtapos na siya ng high school. At isa na rin siya sa ikinokonsiderang top endorsers sa bansa ngayon.

Sinabi rin ni Kim na balak niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Pero hindi pa niya alam kung kailan pero ang gusto raw niyang kurso ay may kinalaman sa business. “ ‘Di ka naman forever nasa showbiz, nasa limelight. Gusto ko ‘yung pera ko may pinupuntahan, umiikot and kumikita.”

Masaya rin si Kim dahil pumunta pa sila ng Hong Kong para dun i-shoot ang ilang eksena ng kanyang upcoming teleserye. First time kasi niyang magti-taping sa ibang bansa. “Masaya and excited kasi bagong experience for me. Hindi naman lahat ng show ng ABS-CBN magsi-shoot sa ibang basa, so nagpapasalamat and thankful (na) nabigyan ako ng ganitong chance.”