Enchong Dee says his aim now is to get people's respect

The Maria la del Barrio leading man doesn't want to comment about the rumor that he and Julia Montes are a couple.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/7/2011 10:08 PM
Enchong Dee says his aim now is to get people's respect


080611-enchong-main.jpgSa The Buzz ay very general si Enchong Dee sa kanyang sagot nang tanungin siya ng host ng show na si Charlene Gonzalez hinggil sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon. “Of course my family and some other people,” pa-safe na tugon ng aktor na gaganap bilang si Luis Fernando sa Filipino adaptation ng Mexicanovela hit, Maria la del Barrio. Nali-link ngayon si Enchong kay Julia Montes pero itinatanggi ng dalawa na sila na nga.

Sa buhay nga raw niya ngayon, kung mayroon pa siyang mahihiling, ito ay respeto mula sa ibang tao. “I always tell them you don’t have to admire me, hindi mo naman ako kailangang magustuhan. Kailangan ko lang ng respect ng isang tao kasi bilang artista ginagawa mo ‘yung trabaho mo, ginagawa mo ‘yung best mo. Ang sini-share mo ‘yung kalahati ng buhay mo sa kanila.

Nang tanungin kung ano ang hindi pa alam ng tao tungkol sa kanya, ang sagot ni Enchong, “I’m very normal.” Pagbibigay niya ng halimbawa may mga araw daw na kapag walang ginagawa ay nasa bahay lang siya at buong araw na hindi siya naliligo. “’Yung mga ganong bagay na you get to show the people hindi porket andito kami sa estadong ito kumbaga extraordinary na kami.”  

Kahit nga unti-unti nang may napatutunayan si Enchong sa showbiz, patuloy pa rin ang pagiging achiever niya sa akademya. Pagka-graduate kasi niya ay nag-enroll si Enchong ng post-graduate studies o masteral degree pero hindi niya ito maipag-patuloy dahil sa kanyang hectic ng showbiz schedule. “Gusto ko talagang mag-stay sa school. Sabi ko nga if I’m not doing what I’m doing now, I’m probably a teacher. Gusto ko ang environment ng school. Kelangan ko lang talagang i-stop because of the schedule kasi once you get a low grade, hindi mo na siya pwedeng mabawi.

Sa isang nakaraang interview ay nabanggit ng aktor na bukas siya sa mundo ng pulitika pero sa ngayon, hangga’t nakatutulong raw siya sa kapwa ay hindi pa niya kailangang sumabak dito. “Mahirap ang mundo ng pulitika. Ang sabi ko nga my purpose of (wanting to enter) politics is to help other people. Baka naman pwede ka naman makatulong sa ibang tao na hindi pumapasok sa politics, ‘di ba mas maganda?

Simula sa August 15 ay magsisimula na sa primetime bida ang teleserye nila ni Erich Gonzales na Maria la del Barrio. Inusisa ni Charlene kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Erich. Ipinaliwanag ni Enchong na ayaw niyang maapektuhan ang trabaho nila. Siya raw kasi ang tipo ng tao na very transparent at alam niyang kung mayroon silang ‘di pagkakaunawaan ni Erich ay lalabas ito sa kanyang pag-arte.