Kean Cipriano admits that he's attracted to Sarah Geronimo

Singer-actor Kean Cipriano says it's possible for him to fall for Popstar Princess Sarah Geronimo.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

8/6/2011 7:44 PM
Kean Cipriano admits that he's attracted to Sarah Geronimo


080711-kean_main.jpgMaraming fans ang kinilig sa live performance ng Popstar Princess Sarah Geronimo at OPM band heartthrob Kean Cipriano sa Eastwood noong July 17. Kaugnay ito ng kanilang first ever collaboration sa bagong album ni Sarah na One Heart. Obvious na may chemistry ang dalawa onstage kaya naman lalong ikinatuwa ng audience nang sabihin ni Kean na talagang nagagandahan siya kay Sarah.

Nang makausap ng Push.com.ph si Kean sa press con ng Ang Babae Sa Septic Tank last August 2, inamin ng binata na matagal na niyang pangarap makatrabaho ang Popstar Princess. At noong nagkaroon daw sila ng pagkakataong i-record ang kantang “Bata,” mas lalo siyang napahanga sa undeniable talent at charming personality ng dalaga. “Sarah is Sarah whatever happens. I like her on and off stage. I admire her, the way she projects herself. She's a good singer, a very good performer.”  

Given a chance ay gusto rin daw niyang makasama sa isang acting project si Sarah. “Siyempre isa si Sarah sa mga dream leading ladies ko. Kasi we have a collaboration sa isang kanta sa album niya. Nag-perform kami last time sa album tour niya. Iba pala kapag katabi mo si Sarah na kumakanta sa stage. Iba yung feeling,” dagdag pa niya.

Hindi itinanggi ng lead vocalist ng Calla Lily na posibleng mahulog ang loob niya kay Sarah at ligawan ito kung saka-sakaling mas makilala pa nila ang isa’t isa. “Why not? Walang magiging problema dun. Kung okay naman. Ako naman nirerespeto ko lahat ng mga taong nakakasama ko or mga babaeng nakakatrabaho ko. Kung may mabuong maganda, why not?”

Pero sa ngayon ay masyado pa raw maaga para mag-isip kung dapat din niyang ligawan ang mga magulang ni Sarah na strikto pagdating sa usaping puso. “Wala pa naman tayo diyan. I can never tell sa ngayon. Ang importante we get along sa pag-perform siguro. Hindi ko pa naman sobrang close si Sarah. So wala ako sa posisyon para magsalita. But I am happy that we are doing something together. Everything will follow through.