• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez does not talk to Cristine Reyes about her feud with Ara Mina

Aiko Melendez does not talk to Cristine Reyes about her feud with Ara Mina

Aiko Melendez reveals she and Cristine Reyes have an unspoken agreement not to talk about the issue.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/6/2011 7:57 PM
Aiko Melendez does not talk to Cristine Reyes about her feud with Ara Mina


080711-aiko_main.jpgPatuloy raw ang pagiging close nina Aiko Melendez at Cristine Reyes sa set ng Reputasyon. Magkalaban ang dalawa sa nasabing teleserye pero in real life ang mas napapaganda nila ang kanilang samahan. “She calls me ate, I call her sis,” pahayag ni Aiko sa isang the press visit sa taping ng Reputasyon sa Bulacan.

Kuwento pa ng aktres, nung simula ay naramdaman niya na nagkakailangan sila ni Cristine. “Bilang nakakatanda ako ‘yung nag-reach out,” kuwento ni Aiko. Ang ginawa raw niya ang nagtanong-tanong sa mga staff members kung ano ang paboritong pagkain ni Cristine at dinalhan niya ito ng pagkain. “Sabi ko [kay Cristine], ‘Sis, huwag kang mailang sa akin.’ I started knowing her,” dagdag ni Aiko.

Hindi rin daw nila pinag-usapan ng Reputasyon main star ang tungkol sa hidwaan between Aiko and Ara Mina, kapatid ni Cristine. Nagkaroon kasi ng past misunderstanding si Aiko at si Ara at hindi pa nila ito naaayos. Depensa ni Aiko, “Siguro those were the unspoken agreement. Huwag na nating pag-usapan para walang pressure.”

Happy rin si Aiko dahil nagsisilbing comeback project niya ang Reputasyon at maganda ng feedback sa kanya. And since kontrabida siya sa nasabing serye, naitanong kay Aiko kung naranasan na ba niyang awayin siya pag lumalabas siya. “Hindi pa naman. Kaya lang minsan na lumabas ako tinatawag akong gobernadora. Hndi ako tumitingin. Sabi niya, ‘Governor, governor!’ Sabi ko, ‘Ano po ba matagal na po akong wala sa politics (dating Quezon City councilor ang aktres). Sabi niya, ‘Ikaw si Governor Catherine ‘di ba?’ Ay Reputasyon pala ito. So ako naman mega-explain. So talagang nagpapasalamat ako kasi talagang nakaka-relate sila and then even sa mga Twitter followers ko. Naniniwala sila na hindi na katulad dati na kontrabida ka sasabunutan ka.”

Mas nae-enjoy na raw niya ngayon ang pag-acting dahil nung una siyang sumabak sa taping ay nanibago pa siya lalo pa’t kontrabida ang ginagampanan niya rito. “Offbeat role ito, first time kong magpi-play na kontrabida pero I’m really thankful kasi nung nakagamayan ko na, parang sobrang na-inlove nako sa role ko.”