• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz is happy with the feedback on his team-up with Cristine Reyes

Rayver Cruz is happy with the feedback on his team-up with Cristine Reyes

Rayver Cruz admits he and girlfriend Cristine Reyes have been hoping that people would welcome their onscreen tandem.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/6/2011 1:24 AM
Rayver Cruz is happy with the feedback on his team-up with Cristine Reyes


080611-rayver-main.jpgFlattered si Rayver Cruz na marinig na marami na ang kinikilig sa tambalan niya ng kanyang real life girlfriend na si Cristine Reyes. Kasalukuyang bida ngayon ang magkatipan sa afternoon teleserye, Reputasyon. Kuwento pa ni Rayver, ito naman talaga ang inasam nila ni Cristine na unang nagtambal sa dating primetime teleserye, Kristine Series.

Natutuwa ako kasi alam naman naming lahat na eventually naman matatanggap nila. Nagiging masaya na sila para sa aming dalawa. Hindi lang sa personal pati sa palabas [gaya ng] Reputasyon, tanggap nila at marami na raw ang kinikilig,” pagbabahagi ni Rayver nang bumisita ang Push.com.ph sa taping ng Reputasyon sa Bulacan.

Todo-suporta rin si Rayver kay Cristine na ngayon ay gumagawa ng movie with Anne Curtis at Derek Ramsay. Sa nasabing pelikula ay may love scene sina Cristine at Derek at nagselos diumano dito si Rayver. “Hindi nga ako nagselos,” paniniyak ni Rayver. “Ang sabi ko nga kung ganon nga ‘yung katawan [ni Derek] yayakapin ko rin, eh.

Hindi rin daw jealous type si Cristine sa mga nagiging leading ladies ni Rayver dahil alam niya na normal sa kanilang trabaho ang maipareha sa iba. “’Pag sa trabaho hindi kami ‘yung seloso na pagbabawalan ang isat-isa na hanggang ganito ka lang. Mga artista tayo. Ganun siya nung nakilala mo, ba’t naman biglang babawalan mo?

Mag-iisang taon nang magkasintahan ang dalawa this coming September pero wala pa raw plano kung kailan sila magpapakasal dahil masyado pang maaga. “Ang bilis naman. Pero syempre ‘di ba, kaya tayo pumapasok sa relasyon kagaya naman ng nasabi namin ni Cristine mahirap naman ang papalit-palit kung magtatagal naman kami. Kung kami talaga para sa isa’t-isa bat naman hindi [kami magpapakasal]? Sa ngayon mahirap talagang magsalita kasi mga bata pa naman kami. Hindi pa namin iniisip ‘yan sa ngayon.”