• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola on a possible romance with Gerald Anderson: 'Ang bilis naman, wala pa ngang taping'

Jessy Mendiola on a possible romance with Gerald Anderson: 'Ang bilis naman, wala pa ngang taping'

Jessy Mendiola says getting romantically involved with Gerald Anderson is not her priority.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/5/2011 8:41 AM
Jessy Mendiola on a possible romance with Gerald Anderson: 'Ang bilis naman, wala pa ngang taping'


080511-jessy_main.jpgSinabi ni Jessy Mendiola na patuloy ang workshop niya kasama ang iba pang cast para sa teleseryeng Budoy na pagbibidahan nila ni Gerald Anderson. First time na ipagtatambal si Gerald kay Jessy. Happy at honored daw ang young actress na napili siya para makapareha ng aktor.

Nang itanong kung paano si Gerald as a leading man, paglalarawan ni Jessy, “Maalaga si Gerald at saka gentleman siya, mabait siya.

Hindi itinanggi ni Jessy na nakatanggap siya ng mga “hate comments” mula sa ilang Kim Chiu-Gerald fans pero nauunawaan daw niya ang mga ito dahil avid fans sila ng napaka-successful na team-up. Meron naman daw mga Kimerald fans na sinusuportahan ang team-up niya kay Gerald.

Tinukso rin ang aktres na baka ma-develop sila ni Gerald since pareho silang single ngayon. “Hindi naman mahirap maging crush siya, guwapo talaga at mabait.” Gayunpaman, tila ang pagkakaroon ng romantic involvement with the actor is not her priority.

Nang itanong sa dalaga kung crush ba niya si Gerald, ang sagot niya, “Hindi eh. Noong una ko talagang nakilala si Gerald parang, ‘Ay ang bait naman niya.’ Pero hindi ko pa siya nakikita as super maging kami. Ang bilis naman wala pa ngang taping,” pagbibiro pa niya.

Gusto kasing mag-concentrate ngayon ng dalaga sa kanyang trabaho. In fact, kinakabahan nga raw siya knowing that Gerald came from a very successful love team. “Pressured din ako na sana ‘yung love team din namin maging okay. But I guess as individual artists mas maganda kung solo-solo tapos magsasama kami (at) magugustuhan nila kami.