• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo on his relationship with Bea Alonzo: 'May tamang lugar at time para sabihin lahat'

Zanjoe Marudo on his relationship with Bea Alonzo: 'May tamang lugar at time para sabihin lahat'

Zanjoe Marudo says he and rumored girlfriend Bea Alonzo still try to find time for each other despite their busy schedules.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/31/2011 8:57 AM
Zanjoe Marudo on his relationship with Bea Alonzo: 'May tamang lugar at time para sabihin lahat'


083111-zanjoe_main.jpgParang kumpirmasyon na lang ang kulang kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na sila ay magkasintahan na. Hindi naman itinatago ng dalawa ang paglabas-labas nila. Sa mga panayam hindi rin nila itinatanggi na very close na sila pero hirap na hirap silang aminin kung may relasyon na sila o wala.

Pero para sa actor, action speaks louder than words. “Mas importante sa akin ang ipinapakita kesa sa sinasabi, mas tagos kesa ‘yung naririnig mo,” aniya sa press conference ng pelikula niyang Wedding Tayo, Wedding Hindi na magbubukas sa mga sinehan sa August 31.

Aminado rin si Zanjoe na bawat pagkakataong magkasama sila ni Bea ay sinusulit nila. “Lalo na ngayon busy, ‘pag may time, ‘pag magkikita ang saya kasi konting time pero kailangan mo talagang pagkasyahin na magawa n’yo lahat sa konting oras na pagsasamahan n’yo.”

Sa tanong naman kung pwede na bang tuldukan ang tanong na kung sila na ba o hindi since very vocal naman sila sa pagsasabi ng pagmamahal nila sa isa’t isa, ang tugon ng moreno actor. “Bakit ba napakaimportante sa tao ng label? Siguro may tamang lugar, tamang time para sabihin lahat. Kami naman ‘di naman kami nagtatago. ‘Pag lumalabas, ‘di naming isinisikreto ‘pag pumupunta sa mall.”

Dagdag pa niya, hindi naman niya kailangang ipagsigawan sa lahat kung ano ang meron sila at ang mahalaga alam nilang dalawa kung ano ang meron sila. Recently ay nagpunta ang dalawa sa France para sa isang show doon at nagkaroon ng pagkakataon na makapag-travel. Nawili raw sila sa pamamasyal at ito ngayon ang kinahihiligan nila.